ABS-CBN itutuloy ang laban kay Willie Revillame
Seen : Ang namumuo na boycott ng entertainment press sa mga alaga ng talent manager na si Joji Dingcong dahil sa kanyang pahayag na hindi nakakatulong sa Belo Medical Clinic ang entertainment press. Si Joji ang dahilan kaya hindi na naiimbita ang showbiz press sa mga presscon ng Belo Medical Clinic dahil mas effective para sa kanya ang lifestyle writers.
Scene : Sina Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, John James Uy, Edward Mendez at Bianca Manalo ang mga talent ni Joji Dingcong. Lahat sila ay mga endorser ng Belo Medical Clinic.
Seen : Nakalimutan ni Joji Dingcong na malaki ang maitutulong ng showbiz press upang makilala ang kanyang mga alaga. Ang magpatulong siya sa lifestyle press para umingay ang pangalan ng mga talent niya ang hamon kay Joji ng ibang showbiz press.
Scene : Walang make-up at malungkot na malungkot si ABS-CBN President Charo Santos-Concio nang magsalita siya sa TV Patrol noong Biyernes. Ibinalita ni Ms. Concio na hindi naglabas ng TRO ang Quezon City Regional Trial Court kaya nabigo ang ABS-CBN na ipahinto ang airing kahapon sa TV5 ng Willing Willie ni Willie Revillame.
Seen : Ang statement ni ABS-CBN President Charo Santos sa hindi pagbibigay ng korte ng TRO laban kay Willie Revillame : Mga kapamilya, ang ginawa po ni Willie ay isang paglabag sa kanyang kontratang pinirmahan sa ABS-CBN na magtatapos pa sa isang taon. Ang hangarin lang namin ay tuparin sana ni Willie ang kanyang obligasyon sa kanyang kontrata. Hindi po ba mahalaga na pinaiiral natin ang paggalang sa mga kontrata?
“Kaya po nalulungkot kami na hindi nabigyan ng TRO ang ABS-CBN laban kay Willie Revillame. Huwag sana nating kalimutan na ang lahat ng ito ay nag-ugat sa walang galang niyang paghamon at pagbabanta sa ABS-CBN management. Naniniwala kami na mananaig ang katarungan at ang buong katotohanan. Patuloy naming ipaglalaban ang aming karapatan.”
Scene : Ang pagwawakas ng Idol noong Biyernes. Lumabas ang katotohanan na ang papel na ginampanan ni Coco Martin ang tunay na Idol.
- Latest