Pagdating sa 'Pinas naitago, Michelle nakapag-ocular inspection na sa pagkakasalan nina Regine at Ogie
Wala si Ogie Alcasid sa presscon ng 15th anniversary ng Bubble Gang at dahil busy ito sa paghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Regine Velasquez. Isa pang rason kung bakit hindi nakadalo si Ogie ay dahil narito ang ex-wife niyang si Michelle van Eimeren at may feeling kaming magkasama silang nag-ocular inspection sa venue ng wedding dahil si Michelle ang in-charge sa flower arrangement sa kasal.
Last Tuesday daw dumating sa ‘Pinas si Michelle, naitago sa press kaya hanggang ngayon na pabalik na yata ito sa Australia ay wala pa ring nakapag-interview.
Samantala, tribute kay Yoyoy Villame ang horror/comedy special ng Bubble Gang at nag-collaborate sina Ogie at Michael V sa movie/musical special na Bungalow inspired sa kanta ni Yoyoy. Hindi namin alam kung matatawa o matatakot sa trailer ng episode na mapapanood sa October 29 at kasama ang buong cast pati ang bagong dagdag.
Lovi tinarayan si Maui, tinawag na hindi smart, sexy
Biniro si Lovi Poe sa presscon ng Little Star dahil gaya sa Beauty Queen, magbubuntis at manganganak na naman siya sa afternoon soap ng GMA 7 na magsisimula sa Monday, kapalit ng Trudis Liit. Parang nata-type cast na raw siya sa mga ganitong papel.
Ang sagot nito’y, mas gusto niya ng challenging roles, kaya okey lang sa kanya ang mga ganito. Challenge rin sa kanyang makasama sina Jennylyn Mercado at Mark Anthony Fernandez at maidirek ni Maryo J. delos Reyes.
Samantala, tiyak na magre-react si Maui Taylor sa comment ni Lovi na “I don’t know her personally” at nasabing hindi smart ang sexy actress. Ayaw namang palakihin ni Lovi ang isyu sa kanila ng kapatid niyang si Ronian na nagalit dahil sa Ronald Singson issue. “I don’t wanna talk about him sa press. Kanya-kanya kaming opinion.”
Sa tanong kung invited siya sa oath-taking ni Grace Poe as MTRCB Chair, sagot ni Lovi, “I’m not invited. But I’m very happy. Once palang kaming nag-meet.”
- Latest