^

PSN Showbiz

Ire-release na ng ABS-CBN pelikula nina Kris at Dingdong kasado na!

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : In-announce ni Kris Aquino sa press launch ng Goldilocks na magsasama sila ni Ding­dong Dantes sa isang pelikulang ipu-produce ng GMA Films.

Pinayagan na raw siya ng ABS-CBN na gumawa ng pelikula sa GMA 7 kaya nakipag-mi­ting na siya kay Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Hinihintay lang daw nila ang release paper mula sa ABS-CBN bago sila uli makipag-miting para mapag-usapan ang istorya ng pelikula.

TANONG : Ngayong nag-merge na ang sampung castaways ng Survivor Philippines Celebrity Showdown, sino kaya ang kauna-unahang tatanggalin, at ang unang miyembro ng jury?

Pinupuntirya na nila siyempre ang pinakamalakas, dahil threat ito sa kanila. Kaya halos iisa ang hula ng karamihang sumusubaybay sa reality show na ito - si Jon Hall ang pinaka-unang malalagas sa sampung castaways.

TOTOO KAYANG iniiwas pa rin si Kylie Padilla na ma-interview dahil baka hindi raw maganda ang masabi nito tungkol sa stepmother niyang si Mariel Rodriguez?

Si Kylie kasi ang tipong hindi pa marunong magpaka-safe o magbitaw ng showbiz na sagot kaya talagang sasabihin nito kung ano ang naramdaman niya.

Kaya nang dumalo ito sa story conference ng Dwarfina, kaagad na pinatakas para hindi ma-interview ng mga reporter.

TSIKA LANG: Tuloy na tuloy ang audition ng first Search for the Hotmen sa Linggo, October 24.

Bukas ito sa mga seksing hunks na marunong kumanta at sumayaw, edad 17-24 at hindi bababa sa 5’9” ang height.

Magsadya lang sa The Room, ground floor ng Crowne 88 Condominium, 88 Panay Avenue, QC.

Puwedeng makipag-ugnayan sa mga taga-GRAMM Entertainment Productions - 09178253891 o 09202816412.

vuukle comment

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ENTERTAINMENT PRODUCTIONS

JON HALL

KAYA

KRIS AQUINO

KYLIE PADILLA

MARIEL RODRIGUEZ

PANAY AVENUE

SI KYLIE

SURVIVOR PHILIPPINES CELEBRITY SHOWDOWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with