^

PSN Showbiz

Simply KC, goodbye na sa ere!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Halos anim na buwan nating nakasama ang simple at totoong kuwentuhan sa Simply KC, kasama si KC Concepcion at ang lahat ng paborito nating artista sa pelikula at telebisyon.

Maraming mga bagay ang ating natutunan at nadiskubre tungkol sa pagkatao ng bawat artistang hinahangaan natin sa industriya.

Nabago rin ng Simply KC ang morning TV viewing habit ng buong bayan. Nakasanayan nating lahat na simulan ang ating araw sa panonood at pakikinig sa iba’t ibang kuwento. Nagbibigay ng inspirasyon at kasiyahan sa lahat ng manonood. Naging matagumpay sa ere ang ilang buwan ng Simply KC, tumatak ang programa sa puso at isipan ng bawat mamamayang Pilipino.

Ngayong araw at bukas, bilang finale episodes ay si Kim Chiu ang makaka-kuwentuhan ni KC. Dito ay ibinahagi ni Kim ang lahat ng kuwento ng pagbabago sa kanyang buhay at pagkatao buhat nang siya ay magsimula sa Pinoy Big Brother noon.

Ipinagtapat ng young actress kung paano nakatulong ang mga pagsubok niya sa buhay para mas maging mabuti siyang babae, kapatid at anak. Tatalakayin din kung paano siya naging matatag at nagkaroon ng sariling disposisyon sa buhay. Siyempre ay hindi rin iniwasan ni Kim ang kuwento ng kanilang relasyon ni Gerald Anderson, at kung ano ang naging epekto nito sa kanya. Magmula sa kanilang masasayang sandali hanggang sa malulungkot at life changing na karanasan nilang dalawa.

Mawala man sa kanyang daily morning show si KC ay regular pa rin naman nating makakasama ang New Generation talk show host tuwing Linggo sa The Buzz.

Go, Fight, Win!

Ryan parating katabi ni Juday ’pag nagpapa-dede kay baby Lucho

Ngayon daw ay nabubuhat na ni Ryan Agoncillo ang kanilang bagong silang na anak na si Lucho. “Nabubuhat ko na ‘yung bata, pero di ko pa nalilikot kasi nga ay bagong silang pa lang so I’m looking forward na maging malikot na siya para puwede nang makipaglaro,” bungad ni Ryan. Naikuwento rin ni Ryan ang ginagawang pagbe-breastfeed ni Juday para sa kanilang baby. “Nagbe-breastfeed siya kaya round the clock, naka-alert lagi, moral support lang ako. Si Juday kapag gumigising siya, gumigising din ako. Sinasabayan ko siya, kapag breastfeed doon lang ako sa tabi,” kuwento pa ni Ryan.

Looking forward ang lahat na makita ang pinakabagong celebrity baby.

Mayroon na kayang plano ang mag-asawa kung kailan nila ipakikita sa publiko si Baby Lucho at kailan nila pabibinyagan ito? “Sabi kasi ni Juday hanggang hindi pa nabibinyagan, hintayin muna bago ipakita sa tao. Wala pang definite kung kailan ang binyag. Ang gusto namin ay basta masarap ‘yung pagkain, gusto namin ‘yung lantak at lamon talaga. Ayaw namin ‘yung nagta-travel pa ng malayo, ‘yung sa tabi ng simbahan nandoon na yung reception,” pagtatapos pa ni Ryan.

Excited ang lahat na masilayan si Baby Lucho. - Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BABY LUCHO

GERALD ANDERSON

JUDAY

KIM CHIU

LUCHO

NEW GENERATION

PINOY BIG BROTHER

RYAN

RYAN AGONCILLO

SI JUDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with