Fashionissimo rarampa na
MANILA, Philippines - Rarampa ang mga guwapo at matipunong lalaki sa Fashionissimo 2010 Philippines’ Search for Male Super Model bukas, Oct.21, 8:00 p.m. sa Music Museum, Greenhills. At pipiliin ang pinakaangat sa kanilang lahat.
Iho-host nina Chesca Garcia, KC Montero, at Carla Abellana ang model search at guests ang Big Men, Velasco Brothers, Club Mwah, kasama sina Guji Lorenzana at Marrki Stroem.
Exciting ang contest dahil malaki ang mga mapapanalunang cash ng mga papalarin. Ang Fashionissimo 2010 winner ay makakatanggap ng P100,000 cash at may Macau at Hong Kong trip pa.
Ang 1st runner-up ay makakakuha ng P60,000; P40,000 naman para sa 2nd runner-up; may P15,000 ang 3rd runner-up; at ang 4th runner-up ay may P10,000.
Kahit ang mga mapipili sa special awards ay may malaking pera ring makukuha — Circle of Friends Choice Award, P20,000; Best in Rave Wear, P10,000; Best in Formal Wear, P10,000; Best in Swimwear, P5,000; Mr. Photogenic, P5,000; Mr. Perfect Skin, P5,000.
May Agents Prize ring tinatawag ang pakontes at ang grand winner ay makakatanggap ng P10,000, samantalang P8,000 at P5,000 naman para sa 1st at 2nd runner-up.
Hindi pa rin uuwing luhaan ang mga hindi mananalo dahil lahat ay may consolation prize na P3,000. Ang Fashionissimo 2010 ay ipinrodyus ng CHU Production at beneficiary ang Circle of Friends Foundation. Ang AMA Cubao ang official tabulator.
- Latest