Zanjoe 'di nai-insecure kay Rayver
MANILA, Philippines - Hindi na mapakali ang viewers ng Martha Cecilia’s Kristine sa nalalapit na pagpasok ni Rayver Cruz sa programang pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Denise Laurel at Cristine Reyes.
Kaya naman sobra-sobra ang mga komento nila sa mga sikat na forum at website sa internet. Ayon sa popular na blogger na si MyKiRu iSyUsErO, gusto na raw niyang makitang magkaeksena ang dating nali-link sa isa’t isa na sina Rayver at Cristine.
Hindi naman maitago ang pananabik ng isang poster sa PinoyExchange na si ‘nurserain’ na nagsabi, “Di pa rin ako maka-get over na papasok si Rayver sa Kristine!”
Tulad nila, hindi na rin makapaghintay na magbalik-primetime si Rayver.
“Nung sinabi sa akin na kinukuha ako for Kristine, hindi naman ako nag-dalawang isip na tanggapin dahil maganda ‘yung show,” ani ng dating child actor.
Si Zanjoe naman ay hindi nagpakita ng kaba sa pagpasok ni Rayver, na itinuturing ng iba na karibal niya kay Cristine hindi lang sa programa kundi sa totoong buhay.
“’Yung pagpasok ni Rayver sa Kristine eh malaking tulong sa programa kasi magkakaroon ng interesting at mas malalim na conflict ‘yung loveteam namin ni AA (Cristine),” giit niya.
- Latest