Bong at Vic, mag-uunahan sa billing!
Meron tayong matandang kasabihan na daig ng maagap ang masipag. Maagap na maagap ang GMA Films dahil malayo pa ang Metro Manila Film Festival pero ipinapakita na sa GMA 7 ang magkahiwalay na teaser ng Ang Agimat ni Enteng.
Sa title pa lang, obvious na sina Senator Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto ang mga bida sa inaabangan na filmfest entry ng GMA Films.
First time na nagsama sa isang pelikula sina Bong at Bossing. Hinding-hindi magkakaroon ng billing problem sa pagitan nina Bong at Bossing dahil alam nating lahat kung kaninong pangalan ang dapat na mauna sa billing.
* * *
Ang Agimat ni Enteng ang unang pelikula ni Jillian Ward. Ano pa ba ang puwedeng ibigay na role kay Jillian kundi isang makulit na bata?
Siguradong masusundan ang movie project ni Jillian sa GMA Films dahil contract star siya ng movie outfit ng Kapuso network. May exclusive contract din si Jillian sa GMA Network.
* * *
Ngayon daw ilalagay ang giant billboard ng Startalk sa GMA Network building dahil malakas pa rin ang ulan at hangin kahapon.
Wala pa ang billboard ng Startalk nang dumaan ako kahapon sa tapat ng GMA 7 habang papunta ako sa pa-lunch ni Ricky Lo para kay Atty. Jemela Nettles, ang mahusay na US Immigration lawyer na babalik na ngayon sa Amerika.
Bilib ako kay Atty. Nettles dahil lumuwas pa siya ng Quezon City mula sa Zamboanga para lang makipagkita sa amin.
Kasama namin sa lunch date sina Aster Amoyo, Jun Lalin, Jojo Gabinete, Eugene Asis, si Papa Ricky and of course, myself.
Marami kaming napagkuwentuhan pero puro off the record ang karamihan. Sayang, hindi ko puwedeng i-share sa PSN readers ang juicy news na napagkuwentuhan ng aming grupo.
* * *
Malapit nang mag-umpisa ang taping ng Captain Barbell kaya nag-umpisa na kahapon ang screen test para sa mga girl na papasa bilang leading ladies ni Richard Gutierrez.
Take note, leading ladies ang sinabi ko dahil hindi lamang isang babae ang magiging love interest ni Richard sa kanyang nagbabalik na show.
May balita na hindi na kasali si Jewel Mische sa cast ng Captain Barbell kaya naghahanap ang GMA 7 ng bagong parter para kay Richard.
* * *
Ang Music Museum ang venue bukas ng Fashionissimo 2010 Philippines’ Search for Male Supermodel.
Twenty-eight ang official candidates na maglalaban para sa title at sa cash prize na P100,000 with matching trip to Macau and Hong Kong.
Ipinakilala ang mga kandidato sa pre-pageant night na ginanap sa Arriato Event Place noong Linggo.
Rumampa ang male candidates kaya napili na ng mga hurado ang mga finalist. May balita na pasaway ang isang kandidato na nagkaroon na ng mga TV commercial. Marami raw do’s and don’t ang kandidato na over-acting ang proteksyon sa sarili. Ang verdict ng mga vaklush, malabong mag-win ang reklamador na kandidato dahil sa kanyang attitude problem.
- Latest