Belo endorser na si Coco Martin
MANILA, Philippines - Ang award-winning young actor na si Coco Martin ang pinaka-latest addition sa listahan ng celebrity endorsers ng Belo Medical Group. Personal na pinili si Coco ng pamosong cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo para mag-endorse ng facial, skin at iba pang non-surgical treatments ng Belo clinic. Kasama ni Coco at Dr. Belo sa contract signing sina Dr. Philip Bunag, ang assistant medical director ng Belo at si Biboy Arboleda, ang talent manager ni Coco. Proud si Dr. Belo na ang movie ni Coco na Noy, ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) para i-recommend na official entry sa foreign film category ng American Motion Pictures Arts and Sciences (AMPAS), na nagtatanghal ng Oscar Awards.
- Latest