^

PSN Showbiz

Dingdong tinalbugan ni Dennis hanggang ending ng EL

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sana dumaan na si Juan nang walang pinipin­sa­lang buhay o kabuhayan natin. Can’t afford ta­yong mag­buwis ng kahit ano ngayon dahil hindi pa naman tayo tuluyang nakakaahon sa mga dina­nas natin isang taong makaraan ang mga ma­pa­min­salang Ondoy at Pepeng.

Pero bilib na bilib ako sa paghahanda na gina­ga­wa ng lahat, lalo na ng pamahalaan, para maging lig­tas tayo sa super typhoon na si Juan. Sa kahan­daan natin, mukhang natakot si Juan na pumasok ng Kamaynilaan kaya dumaan na lang ito. Pero ga­nito naman talaga ang nangyayari kapag handa tayo. Napipinsala lamang tayo kapag nagpapabaya at tutulug-tulog tayo.

Kaya ipagpatuloy natin ang ganitong pagha­han­da. Let the government do its job in protec­ting its peo­ple. Mahirap man ang buhay ay hindi natin ma­ra­ram­daman kung ganitong tulung-tulong tayo. Ang gan­­da ng pakiramdam kung alam mong may nag­ma­­malasakit sa iyo at may handang magtang­gol at su­mak­lo­lo sa oras ng peligro. Dahil dito, binabati ko si P-Noy.

*    *    *

It was my frist time na makapanood ng isang napakalungkot na pagtatapos ng isang serye. Na­taon pa sa seryeng Endless Love na nakita kong iniiyakan ng mga maid of honor ko. Na-curious ako, lalo’t ang eksena ay ‘yung dying scene ni Ma­rian Ri­vera na ini­yakan ng labis ni Dingdong Dan­tes kaya nagsama na ang luha at sipon niya sa pag­da­da­­lamhati. I thought it was the best scene na nakita kong ginam­panan ni Dingdong. Hindi pa OA. But if I thought Dingdong was good in that scene, Den­nis Tril­lo was equally good, if not better, sa kanyang pag­da­dalam­hati sa pagpanaw ng character ni Marian. Ang galing niyang umiyak, walang ka-effort effort. I still maintain na si Dennis pa rin ang pinaka-magaling na aktor sa Kapuso network.

Ayaw ko lang ng ending, walang sense na mag­pakamatay ang character ni Dingdong para lamang magkasama sila sa kamatayan ng character ni Ma­rian. Feeling ko napaka-senseless, pero it was a Ko­rean novela at hindi Pinoy at ang mga Koreano, hindi mahilig sa happy ending. ‘Yun din naman ang naging ending sa original series. Mas ma­drama lang ‘yung ending natin.

Anyways, congrats kina Dingdong, Dennis at Marian for a job well done.

*    *    *

Ewan ko lang kung bakit sa fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu ibibigay ang kredito kung sakali mang mag-hit ang pelikula nilang Till My Heartaches End. Eh open ang ibang mga fans nila sa pagsasabing hindi nila ito susuportahan dahil sa galit nila sa aktor. Kapag nag-hit ito, ibig sabihin pina­nood ito ng general moviegoing public dahil sa interes na nakuha ng pelikula sa madramang performance ng mga stars nito outside of the film.

At baka maganda rin ang kinalabasan ng mov­ie, believable kahit pa ang dalawang major stars nito ay hiwalay na. At panono­orin din ito siguro dahil last movie na ito na magka­sama nina Kim at Gerald.

Maraming dahilan kung bakit maghi-hit ang pelikula pero siguro hindi lang dahil suportado ito ng mga fans nila!

DINGDONG DAN

ENDLESS LOVE

GERALD ANDERSON

KIM CHIU

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with