^

PSN Showbiz

Kolumnista ng STAR nanalo ng Best Opinion Column Award

-

MANILA, Philippines - Uy congratulations kay Mr. Wilson Lee Flores, ko­lumnista ng Philippine Star, realty entrepreneur, college teacher at S Magazine edi­tor-in-chief (by the way, si Piolo Pas­cual ang nasa cover ng October issue ng S Magazine) na nanalo sa Catholic Mass Media Awards (CM­MA) sa gina­nap na seremonya noong Ok­tubre 13, Miyerkules sa Uniber­sidad ng San­to Tomas (UST) Medicine Au­ditorium. Nanalo siya sa Best Opinion Column Award. Ang seremon­yang pinangunahan ni Manila Archbi­shop Gaudencio Car­­dinal Ro­sales ay ginanap sa UST bilang bahagi ng darating na pagdiri­wang sa 400th anibersaryo ng UST sa 2011. Nanalo na rin si Wil­son Lee Flores ng tatlong Palan­ca literary awards, nagtu­turo siya ng journalism, history at literature sa La Consolacion College Manila.

Nag-aral si Wilson sa Ateneo de Manila University at Beijing University.

Imbitado rin siyang guest speaker sa Kyoto University, Japan sa Disyembre.

*    *    *

Mamamaalam na pala sa ere ang The Corres­pon­­dents pagkatapos ng 12 taon.

Ngayong Martes (Oct 19), muli nating balikan ang kuwento ng 12 taong naging bahagi na ng kasay­sayan ng programa na tumatak na sa kasay­sayan ng ating bansa, pati na rin ang mga simple at maliliit na istoryang pumukaw sa damdamin ng manonood.

Kabilang dito ang batang si Nicolai Magtibay na tinampok noon sa episode na Yellow Babies, na nagwagi sa 2004 New York TV and Film Festival. Babalikan din ang mga lolang tulad ni Lola Susana, na nakamit ang inaasam na paglaya mula sa ko­reksiyonal sa tulong ng programa.

Kukumustahin din ang mga kabataang napatigil na sa pagmimina at naibalik na sa eskuwela at ang Ba­ran­gay San Ysiro, na hanggang ngayon ay uma­asang madaanan ng pagbabago. 

Sila ay ilan lang sa nagbigay ng mukha at pagka­tao sa mga isyu sa ating lipunan. Sila ang 12 taong nag­bago ang buhay sa 12 taon sa telebisyon ng The Correspondents.

Ilang beses na ring tumanggap ng parangal ang programa sa loob at labas ng bansa mula sa mga award-giving bodies tulad ng UNICEF Child Rights Awards, Catholic Mass Media Awards, Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas, USTv Awards, at sa Lasallian Scholarum Awards.

Umikot din ang The Correspondents sa ilan sa pinakamalalaking kolehiyo at unibersidad sa pamamagitan ng The Correspondents’ Docuniversity Tour.

Nakasama sa programa ang mga premyadong mamamahayag na sina Karen Davila, Abner Mercado, Bernadette Sembrano at Ces Oreña-Drilon.

*    *    *

Sasabak sa isang hamon ang Kapamilya Network sa kanilang pag-remake ng isa sa highest-rated Primetime Soap Operas sa bansa at pumatok noong dekada nobenta kung saan umere ito ng limang taon sa nasabing istasyon, ang Emil Cruz Jr.’s Mara Clara. 

Ang fast-rising stars na sina Kathryn Bernardo na gaganap bilang Mara at si Julia Montes na gaganap bilang Clara ang mga susunod sa yapak ng mga orihinal na Mara Clara stars na sina Judy Ann Santos, ang tinaguriang Queen of Soap Opera, at si Gladys Reyes, na isa sa pinaka-mahusay at epektibong kontrabida ng Philippine TV.

Bibigyang kulay ng iba pang cast members ang mga karakter na siyang tumatak na sa kasaysayan ng Pinoy soap opera: Bobby Andrews bilang Amante (formerly portrayed by Juan Rodrigo), Ping Medina bilang Kardo (formerly played by Dan Fernandez), John Manalo bilang Eris (formerly played by Christopher Roxas), Albi Casino bilang Christian (formerly portayed by Wowie de Guzman), Chokoleit bilang CG (Eagle Riggs), Jhong Hilario bilang Gary (formerly portrayed by Eruel Tongco), Mylene Dizon bilang Susan (formerly played by Susan Africa), at Ms. Gina Pareño.

vuukle comment

ABNER MERCADO

ALBI CASINO

BEIJING UNIVERSITY

BILANG

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

MARA CLARA

S MAGAZINE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with