Lovi at Iwa, nanay na!
You’d think na dahil marami namang offers na dumarating sa kanila at kabataan pa rin sila, hinding-hindi tatanggap ng mother roles at this point in their career sina Lovi Poe at Iwa Moto. Pero dahil (siguro) sa hindi naman mga grown ups ang magiging mga anak nila sa bagong serye ng GMA 7 na nagsimula na ng airing kahapon, ang Beauty Queen, kundi mga bata kaya pumayag na rin ang dalawang aktres.
Si Lovi ang gaganap ng role ng ina ni Iza Calzado nung bata pa ito at si Iwa naman ang magiging nanay ni Katrina Halili. Pagdadalaga na ni Iza, si Elizabeth Oropesa na ang magiging ina niya.
* * *
Hindi na 12 lamang kundi 20 ang pinili ng mga bossing ng ABS-CBN na siyang nagsilbing hurado sa final screening ng Star Power Sharon’s Search for the Female Pop Superstar. Sa rami ng mga nag-audition sa Luzon, Visayas at Mindanao, na hindi lamang may magagandang singing voice kundi artistahin pa rin ang mga mukha, napagpasyahan ng grupo na pinamumunuan nina Charo Santos-Concio, Johnny Manahan, Malou Santos, Cory Vidanes at Sharon Cuneta, to name a few, nadagdagan ang bilang ng mga kukuning finalist na siyang maglalaban-laban sa ilang linggo ng pag-ere ng paligsahan sa pagkanta na itinataguyod ng ABS-CBN. Host ng bagong paligsahan sa pagkanta sina Sharon, Erik Santos at Christian Bautista.
Maganda ‘yung napanood na audition sa dalawang linggong pag-ere ng programa. Nakita ‘yung mga kuwento sa likod ng maraming magagandang mukha at boses. In fairness, bukod sa kanilang kabataan, talagang magaganda ang boses ng mga nag-audition. Sabi nga ni Mega, konting polishing lang at singing workshop at handa nang sumabak ang kung sino man ang mananalo sa mundo ng musika, telebisyon, at pelikula.
* * *
Nakatakda nang pumasok sa Kristine si Rayver Cruz at tipong gagawin silang love triangle nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo. Kapag nagkataon, mapapasabak din kaya sa mga matitinding lovescene si Rayver na tulad ng ginagampanan nina Cristine at Zanjoe? O inilagay ba siya sa serye para maging kontrabida ng dalawa? Magiging sandata kasi siya ni Lito Legaspi para mapaghiwalay sina Jewel (Cristine) at Jaime (Zanjoe).
Balikan na naman daw sina Rayver at Cristine. Sinimulan nang maramdaman ito sa pagpapareha sa kanila sa ASAP XV.
* * *
Kung si Daisy Romualdez ang masusunod, boto na siya kay JC de Vera para sa anak na si Danita Paner. Pero dahil ayaw na niyang maulit pa ang hindi nila pagkakaunawaan nun kung kaya hindi na siya nakikialam pa. “What you see is what you get, sila na lang ang tanungin n’yo,” sabi niya.
- Latest