^

PSN Showbiz

Kris gusto nang lumigaya sa iba

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Matapos ang mahigit isang linggong pagkakasakit ng mag-iinang Kris Aquino, Josh at Baby James ay mabuti na ang kanilang health condition ngayon. Nakapapasok na sa eskuwela sina Josh at Baby James at nakapag-shooting na rin last Friday si Kris para sa kanyang movie project na Dalaw. “Excited ako kasi it’s my third horror. There’s added pressure of course because the first two are blockbuster. Nakakatulong naman kasi na this will be part of the Metro Manila Film Festival, that’s why araw-araw na ang shoot. It’s nice to be back working and nice to be back acting,” bungad ni Kris.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama ni Kris sa nasabing pelikula si Diether Ocampo. “Naiilang pa siya siyempre kasi ay mag-asawa kami. Although we’ve known each other forever as in talagang we’ve never worked together, ito ‘yung first time,” kuwento pa ni Kris.

Sa pagbabalik ni Kris sa trabaho ay isang isyu na kaagad ang sumalubong sa kanya, ang diumano’y pakikipag-date daw ni James Yap sa ibang babae. “I praise God and I thank God for that, kasi the quicker he moves on and the faster na meron siyang magustuhan talaga. Hindi na niya pahihirapan ‘yung annulment so we’ll both be free, we’ll both be happy,” nakangiting dagdag pa ni Kris.

Kilala rin daw ni Kris ang babaeng tinutukoy na nai-date daw ni James, si Isabel Oli. “I’ve seen her commercials. She’s really very pretty. I’m the ex so ‘di ba dapat ay wala na akong opinion, in the same way na in the future kapag meron na akong dine-date or whatever dapat ay wala na rin siyang opinion. Ang feeling ko lang naman we’re both in a situation where he would want a new beginning dahil alam naming dalawa na the sooner this is behind us, the faster kaming puwedeng magkaroon ng pagkakataon na lumigaya,” seryosong pagtatapos ni Kris.

Bianca manalo, bagong reyna ng mga saging

Six months pa lamang sa showbiz ang Binibining Pilipinas 2009-Universe na si Bianca Manalo ay nabigyan na siya ng big break sa Juanita Banana, ang pinaka-masustansiyang serye sa telebisyon. “Naniniwala ako na sobrang blessed lang ako ngayon, siguro ay natuwa sila sa role ko as gigi sa Magkaribal, siguro ay iyon ang nagdala sa akin para magkaroon na ako ng sariling project na akin talaga,” bungad ng beauty queen actress.

Maugong din ang balitang nagkaroon lang daw ng big break si Bianca dahil isang Production Manager ang nakatatandang kapatid nitong si Kylie Manalo-Balagtas. “Actually sa aming family, kapag sa work ay professionals kami lahat. Walang kinalaman ang kapatid ko, kasi kung sasabihin na ganun, sana ay hindi na ako nag-flight attendant before. Professionals kasi kami kaya kung may gusto ka, gawin mo on your own,” depensa pa ni Bianca.

Marami rin ang kumu-kuwestiyon kung bakit nau­na pa siyang bigyan ng big break kaysa ibang young stars na mas nauna pa sa kanya sa showbiz.

Nasasaktan kaya si Bianca sa isyung ito? “Naniniwala ako na lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang galing and may kanya-kanyang ganda na bigay ng Diyos. Bakit naman ako mahu-hurt kung sasabihin nila na mas may deserving pang iba kaysa sa akin,” paglilinaw pa ni Bianca. -Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

BABY JAMES

BIANCA

BIANCA MANALO

BINIBINING PILIPINAS

DIETHER OCAMPO

GOD AND I

ISABEL OLI

KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with