Mader Ricky naki-bonding kina Jackie at Rhian
MANILA, Philippines - Bonggang-bongga ang puntos sa mga program survey ng Kapuso teleseryeng Ilumina at marami ang nakikiusap via e-mail na ma-feature sana ang mga bida ritong sina Rhian Ramos at Jackie Rice sa pang-Linggong QTV-11 program na Life and Style with Gandang Ricky Reyes.
”Sabi, the customer is always right. Kaya sinadya ko ang location ng Ilumina para mainterbyu ko sina Jackie at Rhian bilang pagpapaunlak sa mga nanonood ng programa natin. Nag-enjoy nga ako dahil pareho silang masarap kausap at sweet,” sey ni Mader Ricky.
Ang titulo ng segment ay Bonding Time with Rhian and Jackie. Tatalakayin ’di lang ang kani-kanilang papel sa teleserye kundi pati na mga pinag-uusapang isyu sa dalawang aktres tungkol sa pamilya, pag-ibig, atbp. Tutuklasin din ang beauty secret at beauty regimen ng super-byuting duo.
Magbibigay ng tip sa acting at fashion si Rhian. Ikukuwento naman ni Jackie kung bakit ang tawag sa kanya ng GMA Artist Center ay “late-bloomer” dahil natagalan bago siya naging seryoso sa karir.
Teka, aaminin din ba nila kung sino ang dyowa o madalas makasama sa gimikan ngayon?
- Latest