'Malapit na siya'
MANILA, Philippines - May isa pang nasa puwesto sa isang ahensiya ng pamahalaan na konektado sa showbiz ang any moment ay mapapalitan na.
Ayon sa source : “malapit na siya.”
Ang dating gobyerno pa ang nag-appoint sa nasabing opisyal at hindi pa agad napalitan pag-upo sa puwesto ng gobyerno ni Pangulong Noynoy Aquino.
Umaasa ang nasabing opisyal na hindi siya mapapalitan pero sadly ayon sa source, may ipapalit na sa kanya.
Abangan….
Trudis gustong maging senador
Sobra pala talaga ang kabibuhan ng bagets na si Jillian Wards na alaga ng kaibigang si Joe Barrameda.
Hamakin mo, nang tanungin ko kung nag-aaral ba siya, pagkasagot-sagot ng bata : “Paano ako mag-aaral eh nagta-trabaho ako.”
Pero sumagot ang kanyang mommy na kasalukuyang preggy ng limang buwan : “Nagtu-tutorial po siya.”
Eh anong gusto mo paglaki mo?
“Maging senador,” sagot ng bagets na ang cute-cute pala in person, parang ang sarap-sarap kagat-kagatin at kurut-kurutin sa pisngi. At pag naging senador na raw siya, gusto niyang gawin driver ang tatay niya.
Nasa kakulitang edad si Jillian pero parang matanda siya kung magsasagot sa tanong.
Like asan na ‘yung mga pera niya?
“Nasa bangko po. Si mommy ko ang nagtatago. Nakabili na ako ng sasakyan.”
Kuwento rin niya, gusto niyang maging mayor ang kanyang ‘tatay.’
Grabe, siguro kung makakasama mo ang batang ito na sumikat sa Trudis Liit ng GMA 7, tanggal ang lahat ng stress mo. Kaaliw eh.
Anyway, next week na matatapos ang Trudis Liit after ng halos apat na buwan sa ere.
PWNW nagsi-celebrate ng weeksary
In fairness, umalagwa na pataas ang rating ng Pilipinas Win na Win (PWNW). Isa sa rason na kinaaliwan ng mga nanonood ng programa ay ang pagiging kuwela at nakakaaliw na batuhan ng linya nina Rico J at Pokwang. Alam ng lahat na hindi ito scripted kaya naman natutuwa sila. “Wala kaming pinapalampas na episode kasi may bagong kuwento sa dalawa araw-araw,” sabi ng isang miyembro ng audience na galing pa sa probinsiya. Ilang araw pa lamang silang nagkakasama sa programa ay nakitaan na ng kakaibang chemistry ang parehong komedyante at singer kaya naman ang sweet moments nila ay kinakikiligan.
Ganundin ang positive vibes na ramdam sa lahat ng iba pang hosts ng Hitmakers na sina Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuñiga, kasama sina Janelle Jamer at Gee Canlas, ang mga bagong sinusubaybayan ng lahat. Si Valerie Concepcion naman ay pansin ng lahat na lalong gumaganda at sumiseksi.
Noong Sabado ay masayang nag-celebrate ang PWNW hosts ng kanilang weeksary kung saan naglabas pa sila ng isang cake. Nagpasalamat ang Hitmakers dahil tila sila na ang bagong habit tuwing hapon.
Naniniwala naman si Rico J na ang kanilang ginagawa ngayon sa PWNW ay isang pagkakataon para makatulong sa pamamagitan ng pagpapasaya sa mga Pilipino. Nang tanungin siya kung bakit pasok sa mga kababayan natin ang hosting nila,
Nang matanong naman tungkol sa kanyang mga green jokes?
“Kinakabahan ako. Sa totoo lang kami may usapan na, kapag kami nakakaligtas everyday magpupunyagi kami,” mabilis na sagot ni Rico J.
- Latest