^

PSN Showbiz

Kristine Hermosa, busy na sa kasal nila ni Oyo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Ngayon daw ay abala ang magkasintahang sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto para sa napapabalita nilang pagpapakasal next year. Nang ma-corner ng SNN (Showbiz News Ngayon) sa isang event si Kristine ay pahapyaw nitong naikuwento ang planong pagpapakasal. “Okay naman. Masaya ang pagpaplano, sobrang okay kami, planning pa rin. Masayang-masaya, araw-araw ay Pasko,” natatawang bungad ng dalaga.

Abala man daw si Kristine sa kanyang show na Noah ay naghahangad pa rin daw na gumawa ng pelikula ang aktres. “Actually, gusto kong gumawa ng pelikula kapag meron nang magandang material for me. ‘Yun na lang ang inaantay ko,” dagdag pa ni Kristine.

Kung sakaling magkakaroon nga si Kristine ng movie offer ay si Jericho Rosales daw ang kanyang gustong makasama muli. “Ako kasi ay naniniwala na ang dami pa ring naniniwala sa amin ni Echo. If meron akong leading man na naiisip ngayon na gusto ko pa ring makasama sa pelikula na ang tagal ko nang hindi nakakasama, si Echo, si Echo siguro,” pag-amin pa niya.

It was not easy for Kristine and Jericho to get where they are today. It is refreshing to think that there’s a tandem that has transcended personal relationship.

Angelica excited sa project with Gretchen

Matapos magkaroon nang hindi pagkakaunawaan kamakailan sina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban ay naging maayos na­man ang kanilang friendship ngayon.

Kinumpirma rin ni Gretchen sa isang interview na gagawa sila ng isang te­leserye ni Angelica, bagay na ikina-excite naman ng huli. “Mula nang sinabi sa akin, akala ko ay joke lang, so hindi ko masyadong sineseryoso, pero ngayong napag-uusapan na nga paunti-unti, medyo nagsi-sink in na nga sa akin na ah baka nga totoo kasi marami na ngang nagsabi sa akin. Nasasabi na rin sa TV. Excited, looking forward ako na mas makilala pa siya,” kuwento ni Angelica.

Ngayon daw ay nag-improve na ang friendship nila ni Gretchen dahil madalas palang nakadadalaw si Angelica sa taping ng Magkaribal. “Kapag dumadalaw, may kuwentuhan tapos minsan kina-kamusta niya ako through Derek, sa ibang mga common friends namin so parang weekly may balita akong naririnig about her,” dagdag pa ni Angelica.

Ayaw pa rin daw munang mag-expect ni Ange­lica sa napapabalitang project na pagsasamahan nila ni Gretchen hanggang wala pa itong confirmation. “Looking forward ako doon sa ganung klaseng bagay, pero hangga’t wala pa ay ayaw ko pa rin munang umasa kasi baka ma-hurt lang ako, baka mapunta sa iba or iba na lang pala ‘yung project. Hoping pa rin sana matuloy talaga,” pagtatapos ni Angelica.

 Only the dead will not look forward to seeing two feisty women do their stuff in television together. - Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANGELICA

ANGELICA PANGANIBAN

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

JERICHO ROSALES

KRISTINE

KRISTINE AND JERICHO

KRISTINE HERMOSA

NGAYON

OYO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with