Pelikulang Tagalog mas kumonti ngayong taon
Diyos ko pababa na talaga ang pelikulang Tagalog na ipinalalabas kada taon. Senyales ba ito na tuluyan nang mabubura ang industriya ng pelikulang Pilipino?
Imagine, matatapos na ang 2010, pero 21 pelikula pa lang ang na-review ng Cinema Evaluation Board (CEB) – 17 mainstream at 4 indie film.
Yup, last quarter na ng taon, pero wala pang 30 ang napapalabas.
Sa 21 na nag-apply for tax rebate, 17 ang nabigyan ng grade at apat ang hindi.
Pito rito ang naka-A (five indie and two mainstream) at ang 10 ay graded B na lahat mainstream movie.
Actually, nabawasan din naman ang bilang ng mga foreign films na ipinalalabas pero hindi ganun kabilis ang pagbaba kumpara sa ating bansa.
Kada taon, nababawasan ng maraming bilang ang pelikulang Tagalog.
Paano na kaya sa isang taon, kung 21 ngayon, baka, 10 na lang sa 2011.
Ang dating indie film na nakakadagdag sa bilang ng pelikulang Tagalog ay nabawasan din ngayong taon. Ano kayang nangyari sa mga independent film producer na aktibo noong mga nakaraang taon?
Bago ang gaganaping Metro Manila Film Festival sa Disyembre, dalawang pelikula na lang ang naririnig kong ipalalabas, White House ng Regal Films (starring Gabby Concepcion and Iza Calzado) at ang ‘Til My Heartaches End (starring Kim Chiu and Gerald Anderson).
So magiging 23. Pero sadsad pa rin ang bilang.
Well, sana nga may magawa pang paraan para maisalba ang industriya ng pelikula sa bansa.
Shooting ni Julia Roberts sa bansa naudlot
Sayang, sayang, sayang.
‘Yan lang ang nasabi ko nang ikuwento ni Tita Digna Santiago na kinonsider pala ang ating bansa para sa pelikulang Eat Pray Love ni Julia Roberts na base sa libro. ‘Yun pala sanang mga eksena na kinunan sa Bali, Indonesia, sa bansa sana kukunan. Nakipag-usap na raw sa Philippine officials ang producer ng nasabing pelikula na kasalukuyang palabas sa ating mga sinehan at siniguro raw noon ni dating executive secretary Eduardo Ermita na ibibigay lahat ng kailangang seguridad matuloy lang ang shooting ng pelikula sa bansa. Pero kahit pinangakuan sila ng bata-batalyong seguridad sa shooting para bantayan ang bida na si Julia Roberts, hindi natuloy ang shooting sa bansa.
Nang tanungin ni tita Digna, Philippine Film Export Services Office (PFESO) Executive Director, ang counterpart niya sa Indonesia, $125,000 daw ang naipasok na halaga ng pelikula sa kanilang bansa.
‘Yun ang super duper sayang.
Nakita na sana sa pelikula ang bansa natin, kumita pa.
- Latest