Cristine at Zanjoe ginulo ni Rayver
MANILA, Philippines - Sa pagpasok ni Rayver Cruz sa hit teleseryeng Martha Cecilia’s Kristine bilang si Lance Navarro, mayayanig hindi lamang ang pag-iibigang Jaime at Jewel kundi pati na rin ang tila namumuong pagtitinginan nina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes.
Sa gitna ng umuusbong na pagtitinginan ng Prince of Passion (Zanjoe) at Jewel of Romance (Cristine), pumapagitna ang dating nali-link kay Cristine na si Rayver Cruz. Magkaroon kaya ng tensiyon sa pagitan nila?
Buong ningning na sagot ni Zanjoe, wala raw magiging epekto ang mga intriga sa kanila.
“Kung anuman ‘yung mga personal sa amin, hiwalay ‘yun sa trabaho. At hindi naman ito reality show. Drama ito at may mga characters kaming ginagampanan,” paliwanag niya.
Dagdag naman ni Rayver, walang iringan na mangyayari dahil pareho niyang kaibigan sina Zanjoe at Cristine. Ayon pa sa kanya, matagal nang gusto ni Zanjoe na makatrabaho siya.
“Sinasabi na niya sa akin noon pa, matagal na tayong magkaibigan pero hindi pa tayo nagkakatrabaho. Hindi ko pa nakakatrabaho ang karamihan sa mga cast, pati na rin si Direk Rory (Quintos). So na-excite na rin ako,” ani Rayver.
At ang tila naiipit sa dalawa na si Cristine ay wala namang nakikitang problema sa pagpasok ni Rayver.
“Masaya naman kasi siyempre first time naming magkakatrabaho,” ani Cristine.
Dagdag pa ni Rayver, tapos na ang isyu sa pagitan niya, ni Cristine at ni Sarah Geronimo.
Ngunit hindi lamang ang relasyon sa pagitan ng mga aktor ang apektado sa pagpasok ni Rayver sa epic TV adaptation ng number one best-selling novel sa bansa, Martha Cecilia’s Kristine.
Sa Paso de Blas, sa kabila ng paglambot ng puso ni Don Leon sa kanyang apong si Jewel, tila napapansin naman nito ang pagkakalapit ng loob nito sa sa driver na si Jaime. Kaya’t aanyayahan ni Don Leon ang family friend na si Lance para ilapit kay Jewel.
- Latest