^

PSN Showbiz

Kailangan na nga ng perang pambuhay sa apat na anak, aktres nasuba pa sa alahas

RATED A - Aster Amoyo -

Alam mo, Salve A., nanghihinayang kami sa ma­­husay na aktres na si Karla Estrada dahil hindi na ito gaanong nabibigyan ng magagandang project. 

Hindi lamang  mahusay na aktres si Karla kundi isa rin siyang magaling na mang-aawit.

Aminado ang Waray singer-actress na mas kailangan niya ng trabaho ngayon dahil isa siyang single parent at apat ang kanyang anak na iba’t iba ang ama.

Ang kanyang panganay ay si Daniel John (DJ) ay kinse anyos na.  Anak niya ito sa nakatatandang kapatid ni Robin Padilla, ang aktor na si Rommel Padilla.  Katorse naman si Jose Carlito (JC) na anak niya sa pinsan ni Rommel na dating miyembro ng isang band, si Naldy Padilla.

Walong taong gulang naman si Margarett (Margie) na ang ama naman ay ang businessman-politician na si Mike Planas. Ang kanyang bunsong anak na si Carmela ay apat na taong gulang na ang ama naman ay isang non-showbiz na hindi na niya karelasyon ngayon.

Aminado si Karla na iba siya kung ma-in love. Todo-bigay kaya kapag nahihiwalay siya sa kanyang partner ay sobra siyang nasasaktan. 

Ngayong may apat na anak na si Karla, hindi kaya dapat na mag-focus muna siya sa kanyang career at kalimutan na ang lovelife?

Si Karla ay nasa pangangalaga ngayon ni Manny Valera ng DMV Entertainment.

Samantala, bukod sa kailangang buhayin niya ang apat na anak, may kinakaharap din itong matin­ding problema dahil nasuba siya ng isang kakilala na kumuha sa kanya ng alahas. Ang siste, naka-consign lamang kay Karla ang mga alahas at kailangan niya itong bayaran sa may-ari.

First cousin ng magkapatid na actor na sina Antonio at Jay Aquitania. Magkapatid ang ina nina Antonio at Jay at ama ni Karla na Ford ang apelyido. 

Gusto rin niyang subukang maging isang real estate broker kaya nakatakda siyang sumailalim ng seminar sa susunod na linggo.

“Bilang isang single parent, kailangan kong kumayod nang husto laluna ngayon na may kailangan akong bayarang alahas kahit ibang tao ang nakinabang,” malungkot na pahayag ng singer-actress.

Nalulungkot din si Karla dahil meron siyang isang aktres na kaibigan na nanghiram sa kanya ng pera noon. Dahil kailangang-kailangan ni Karla ang pera ngayon para ipambayad sa supplier niya ng alahas, nilapitan niya ang kanyang kaibigan. 

Pero sa halip na siya’y bayaran, sinabihan lamang siya na wala pa umano siyang pera at marami pang ibang obligasyon.

Walang intention si Karla na talikuran ang obligasyon niya sa supplier ng alahas kaya gumagawa siya ng paraan na mabayaran ito. 

Lincoln ni Arnell maraming nagkaka­interes

Hindi man pinalad ang singer-comedian na si Arnell Ignacio sa kanyang political bid, patuloy naman ang magandang takbo ng kanyang negosyo, ang Creative Hair System na matatagpuan sa Greenhills, San Juan.

Ayon kay Arnell, hindi na lamang dito sa Pilipinas in-demand ang kanyang iba’t ibang design ng wigs kundi maging sa ibang bansa.  Ang isa pang passion ni Arnell ay ang pangongolekta ng mga luxury vin­tage cars na kanyang ipinapa-overhaul at lalong pi­napaganda. 

Nakita namin ang kanyang 1993 model Lincoln car na madalas gamitin sa mga weddings. Marami na ang nagkainteres na bilhin ito sa kanya pero ayaw itong ipagbili ni Arnell na single parent sa kanyang kaisa-isang anak na si Sofia (14).

Aktor tumanggi sa offer na condo ng mayamang bakla

Samut-sari

Isinusumpa ng isang mahusay na veteran actress ang isang popular actress dahil sa kamalditahan nito.

Hindi kaya aware ang kilalang young actor na ito dahil sa kanyang BO (as in bad breath)?

* * *

Inalok ng isang mayamang gay benefactor ang isang popular actor ng isang mamahaling condo pero ito’y tinanggihan ng huli. Bakit nga naman ito tatanggapin ng actor e kayang-kaya rin niyang bumili ng isang mamahaling condo kung nanaisin niya.

* * *

Belated birthday greetings kina Malu Maglutac-Chiongbian (Oct. 10) at sa U.S. concert producer na si Tito Al Chu (Oct. 12).

vuukle comment

AL CHU

AMINADO

ANAK

ARNELL

ISANG

KANYANG

KARLA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with