^

PSN Showbiz

John Lloyd pinakamabango para kay Angel

- Veronica R. Samio -

Ms. Body Beautiful — of course, I’m referring to none other than Ms. Vivian Velez dahil nakilala siya noong kanyang kapanahunan sa magandang hubog ng katawan at galing sa pagsasayaw na kahali-halina. Ang pagiging isang mahusay din niyang artista ay napatungan ng unang dalawang nabanggit na katangian.

Matagal ding nawala si Vivian at nag-concentrate sa kanyang pagiging isang may-bahay, ina, at negos­yante, in that order. Ginamit din niya ang kanyang libreng oras sa pag-aaral ng filmmaking sa ilalim ng pamamatnubay ng magaling na direktor na si Marilou Diaz-Abaya. Napagdesisyunan niya na kung magbabalik siya sa industriya ay hindi na bilang isang artista kundi bilang isang direktor na. May napatunayan na siya sa pagiging isang artista, ngayon ay gusto naman niyang sumubok sa pagiging isang direktor.

Ang Imortal ay isang proyekto na hindi niya mahihindian. It came at a time na puwede nang maramdamang muli ang kanyang presence. Bukod dito, tampok ang kanyang idolong si Angel Locsin. Sa pagiging inactive bilang artista, ang panonood lamang ng seryeng Lobo ang nagsilbing link niya sa industriya na ilang taon din niyang pinagtrabahuhan. Nag-iisang palabas ito sa telebisyon na pinanood niya’t tinapos.

“Ayaw ko na sanang mag-artista. Gusto kong magdirek na lang pero napakaganda ng proyektong Imortal, hindi ako magiging tapat sa aking pagiging artista kung palalampasin ko ang ganito kagandang project,” pag-amin ng napakaganda pa ring aktres na bukod sa masayang makatrabaho bilang artista si Angel ay gusto pa rin niyang una niya itong maidirek. Payag naman ang Kapamilya aktres pero hindi maiaalis ni Vivian kung magkaroon man ito ng agam-agam dahil bago siya sa larangan ng pagdidirek at hindi pa nasusubukan. Pero hindi naman agad sinarhan ng aktres ang pinto para sa kanilang pagtatrabaho nang magkasama. Hihintayin na lamang nito ang panahon na mayroon nang directorial project si Vivian at saka pa lamang niya pag-iisipan ng mabuti kung tatanggapin ang proyekto o hindi.

“Nabalitaan ko kasi na gusto rin niyang gumawa ng indie film at naiintindihan ko ang kanyang hesitation, wala pa nga naman akong pruweba pero sana mabigyan din ako ng chance na makapag-direct,” sabi pa ng comebacking actress.

 Nagbabalik din sa showbiz via Imortal ang isa pa ring mahusay na aktor na matagal ding nawala, si Jak. Si John Lloyd Cruz ang kapareha ni Angel na muling gumaganap ng role ng isang lobo. Isang bampira naman ang aktor at sa kabila ng magkaibang mundo ang pinanggalingan nila, at sa gitna ng hidwaang mortal, ay magkakaibigan sila sa kalaunan.

Ilan pa sa makakasama sa serye na pagtutulungang idirek nina Chito Roño, Jerry Sineneng at Trina Dayrit ay sina Maricar Reyes, Rico Blanco, Nina Dolino, Jomari Yllana, Jaime Fabregas, at Johnny Revilla.

Naka-jackpot ang ABS-CBN sa Imortal dahil sa unang linggo ng pagpapalabas nito ay agad humataw ito sa ratings. Nagtala ito ng 35.5 laban sa 23.5 ng Grazilda, ayon sa Kantar Media. Naging trending topic din ito at lubusang gumawa ng ingay sa Twitter, online forums, at social networking sites.

* * *

I’m sure flattered si John Lloyd dahil sinabi ni Angel na pinakamabango siya sa mga nakapareha nitong aktor. Kahit matagal na silang nagtatrabaho ay hindi niya nito naamuyan ng pawis at palaging mabango at parang laging bagong paligo.

 Sinabi rin Angel na pinaka-hinahangaan niya sa kapareha ang pagiging family-oriented nito. Lahat ay ginagawa nito para sa kanyang pamilya. Marami siyang kilalang artista na kapag established na ay bumubukod na pero si JLC hanggang ngayon ay kasama pa rin ang pamilya niya.

ANGEL LOCSIN

ARTISTA

CHITO RO

IMORTAL

ISANG

JAIME FABREGAS

JERRY SINENENG

JOHN LLOYD

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with