Jericho at Cesca tikom ang bibig sa hiwalayan
Last week ay lumabas na ang isyung hiwalay na diumano sina Jericho Rosales at ang aming SNN (Showbiz News Ngayon) correspondent at E Live host na si Cesca Litton. Makahulugan ang maikling pahayag ni Jericho ukol sa isyung hiwalayan nila.
“I don’t want to answer anything about us muna, Cesca and I will talk,” nakangiting pahayag ng aktor.
Sinagot naman ni Cesca sa E Live ang naging pahayag ni Jericho. “There’s a right time to talk about certain things. For now, let him do his things and I’ll do my thing and eventually ay mag-uusap din naman kami.”
Idinagdag din ng correspondent na wala namang naging third party sa kanilang relasyon ni Echo, pero bakit nadawit ang pangalan ni Andi Eigenmann sa hiwalayan diumano ng dalawa?
“Wala pong third party, ever since naman, Andi had been very vocal na crush niya si Echo pero siguro it’s also part of her line of work din na nasasama sa mga intrigang ganoon.
“Good for her, at least ay hindi siya nagwawala kapag nadadawit ’yung pangalan niya. Sorry kung nasama ’yung pangalan niya pero huwag na lang tayong gumawa ng negative issue for me. Ayoko ng nega, ayoko ng may nadadamay, may nababastos,” paglilinaw pa ni Cesca.
Sa SNN kagabi ay may mga naging rebelasyon si Jericho.
“Well, one of these days, I’m pretty sure Cesca and I will talk. Alam kong gusto ninyong malaman ’yung personal na estado ng buhay ko, thank you for being concerned. I know people wanna know but no disrespect. I just want to keep in on myself. Of course, itatabi na lang namin ito ni Cesca, para sa aming dalawa so that ’di naman kami masyadong mabigatan at mahirapan sa sitwasyon namin ’di ba? Medyo marami akong pinagdadaanan ngayon but I’m glad that people care, whatever it is. Si Cesca I wish her all the best, for everyone na nagmamahal kay Cesca at sa akin. I wanna apologize sa lahat ng mga taong na-involve, na-move or nasaktan sa pangyayari sa amin, people on Twitter, lahat sila, ’yung nagte-text, but I love you guys and thank you very much. We’re gonna be okay,” seryosong pahayag ni Jericho.
Anak ni April Boy humahataw na sa kantahan
Noong Biyernes ay nagkita kami ni April Boy Regino sa hallway ng ABS-CBN nang mag-taping ako para sa episode ng Simply KC na mapapanood next week.
Kasama niya ang kanyang asawa at manager na si Madel at ang anak nilang si JC. Ngayon ay abala ang jukebox singer sa pagpo-promote ng kanyang pinakabagong album under Viva Records, ang Idol Star.
Kasama na ni April Boy ngayon ang kanyang anak sa pagpe-perform. Bukod sa magaling maggitara ay maganda rin ang boses ni JC, like father like son. “Mas masarap ngayon kasi mayroon na akong kasama, medyo acoustic na kami, modern na ’yung tugtog namin, ’di katulad dati na maingay,” bungad ni April Boy.
Siya rin kaya mismo ang nag-train sa anak para maging isang magaling na performer?
Say niya, “Magaling si JC na magsulat ng kanta, ang dami na niyang nagawa na magaganda, sarili niya lahat ’yun. Dati kasi ay may ipinakita siya sa akin na composed niya, sabi ko hindi masyadong maganda. Buhat noon ay na-motivate siya na gandahan ang lahat ng ginagawa niya.
Mayroong mensahe si April Boy para sa kanyang mga tagahanga: “Maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta, sana po ay hindi kayo magsawa sa mga awitin ko noon at ngayon, sana po ay tulungan ninyo kami at bumili kayo ng album.”
Bukas sa ganap na 8:00 a.m. ay mapapanood natin sa Simply KC ang kakaibang bonding ng mag-amang April Boy at JC, dito ay ibabahagi nila ang mga naging struggles ng kanilang pamilya sa Amerika. — Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest