^

PSN Showbiz

Dalawang baklang tv host nag-aagawan sa isang model

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Pinag-awayan ng dalawang gay TV host ang isang male model. Ang hindi nila alam, baklita rin ang model na sumira sa kanilang matagal na friendship.

Ang male model ang boyfriend ngayon ng isang macho gay na aktor na nag-quit sa showbiz, bago pa man nagningning ang kanyang bituin. May tsismis na hindi magtatagal ang relasyon ng male model at ng macho gay actor dahil napapadalas din ang kanilang lovers quarrel.

Goma support lang ni JC sa my driver...

Si JC De Vera pala ang lead actor sa My Driver Sweet Lover ng TV5. Ang buong akala ko, si Richard Gomez ang nasa title role pero hindi pala dahil isa siya sa maraming artista ng teleserye ng Kapatid network.

Ang My Driver...yata ang pinaka-star studded teleserye sa TV dahil sangkatutak na artista ang kasali. Alam ko ang aking sinasabi dahil napanood ko ang promo guesting nila sa PO5 noong Linggo.

Libro ni sen. Loren inilunsad

Congrats kay Senator Loren Legarda dahil successful ang book launch kagabi sa Makati Shangri-La ng kanyang libro, ang Redefining Development.

Invited ako sa book launch at as usual, hindi ako nakapunta. Una, gabi ang event at pangalawa, malayo ang venue.

Ngayong gabi naman ang presscon ng Beauty Queen ng GMA7. Imbitado rin ako pero hindi sure ang aking attendance dahil gabi uli ang event.

Sure ako na aabangan ng mga mhin ang te­leserye ni Iza Calzado dahil pumayag ito na mag-suot ng two-piece sa kanyang mga eksena.

Never pa na na-sight na nagpaseksi si Iza sa TV o big screen. Sa Beauty Queen lamang makikita ang kanyang alindog.

Patrick Dela Rosa, hindi na kilala ng mga bagets 

Hindi sinasabi ng mga pulis ang name ng babae na nagsampa ng rape case laban kay Patrick dela Rosa dahil ‘yon ang nakalagay sa batas.

Nalaman ko ang ba­lita tungkol kay Patrick habang nakikipagkuwen­tuhan ako kay Congressman Irwin Tieng ng Buhay Party List.

Matagal nang hindi active sa showbiz si Patrick dahil board member na siya sa Oriental Min­doro. May mga nagsasabi na paninira lamang kay Patrick ang kaso pero naka-blotter ito sa Station 7 ng Quezon City.

Hindi pa nagsasalita si Patrick tungkol sa kasalanan na ibinibintang sa kanya na nangyari noong Biyernes ng madaling-araw sa unit ng isang condo building sa Cubao. Tiyak na worried ang mga kababayan ni Patrick, lalo na ang mga bumoto sa kanya dahil sa matinding kaso na kinasasangkutan niya.

 Hindi na kilala ng young generation si Patrick dahil bihira na siyang lumabas sa TV at pelikula.

Early ‘80’s nang maging artista si Patrick. Siya ang leading man noon ni Claudia Zobel sa pelikulang Shame.

Pinilahan sa takilya ang Shame dahil bongga ang build-up ng Regal Films sa tandem nina Patrick at Claudia na natsugi sa isang car accident noong February 1984.

vuukle comment

BEAUTY QUEEN

BUHAY PARTY LIST

CLAUDIA ZOBEL

CONGRESSMAN IRWIN TIENG

DAHIL

DE VERA

DRIVER SWEET LOVER

PATRICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with