^

PSN Showbiz

Panay ang text ng kaek-ekan, baguhang aktres nililigawan ng castaway?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Alagang i-text ng isang male castaway ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown ang isang maganda at baguhang artistang babae ng GMA 7. Nagkakilala ang dalawa nang sabay mag-guest sa isang show ng Q Channel 11, nagkatsikahan habang naghihintay sa taping, nagpalitan ng numbers at ngayon, textmates na sila.

Hindi alam ng magandang newcomer kung nanliligaw sa kanya ang castaway dahil wala naman itong sinasabi, basta madalas lang mag-text. Na­ngu­ngumusta lang ang binata at nakikibalita sa kung anu-anong kaek-ekan.

Madalas mag-krus ang landas ng dalawa dahil pareho silang nasa Channel 7 na at malaki ang chance na magkaligawan dahil parehong single. Su­subaybayan namin ang dalawang ito!

Steven marunong nang magpaikot kapag si Diva ang usapan

 Ang daya ni Kris Bernal, open ipakita ang cell phone sa amin dahil binura na niya ang picture ni Jay Perillo na for sometime ay screen saver niya at ’dun namin nabuko na meron silang “something.” Hindi ito sumagot nang usisain namin kung break na sila ng singer-actor na malabo nga namang mangyari dahil nagsisimula pa lang ang relasyon nila.

Kaya hindi magiging makatotohanan kung ili-link si Kris kina Steven Silva o Rocco Nacino na leading men niya sa Koreana dahil si Jay ang nagpapasaya sa kanya, bukod sa balik-sigla niyang career via the said soap na magsisimula bukas after Trudis Liit.

Feeling din namin, naisahan kami ni Steven dahil nang tanungin namin sa eksena nila ni Diva Mon­telaba sa Starbucks, Timog na sweet-switan at nag­takip pa ng hood si Diva para hindi makilala, kung saan-saan dinala ang usapan at ’di kami sinagot. Hmmp!

*    *    *

Dapat may taping si Iza Calzado ngayon ng Beauty Queen, pero nagpa­alam siya kay Direk Joel Lamangan na mag-a-absent muna sa taping dahil magho-host sila ni Dingdong Dantes ng Quezon City Foundation Day Achievement Awards na gagawin sa Crowne Plaza Hotel.

Kabilang sa bibigyan ng award sina President Noynoy Aquino na Kyusi ang address bago naging presidente ng bansa at ang GMA 7 na located din sa Kyusi.

Siguradong present sa Achievement Awards ang mga officials ng QC government sa pangunguna nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

vuukle comment

ACHIEVEMENT AWARDS

BEAUTY QUEEN

CELEBRITY SHOWDOWN

CROWNE PLAZA HOTEL

DAHIL

DINGDONG DANTES

DIREK JOEL LAMANGAN

DIVA MON

IZA CALZADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with