Isa pang Kapamilya tinatarget para kay Marian
May tsikang bukod kay Will Devaughn, may isa pang aktor ng Kapamilya na kinukuha ang GMA 7 para isama sa cast ng Maharlika ni Marian Rivera. Malabo lang makuha ang aktor dahil hindi siya nawawalan ng project sa ABS-CBN at ang alam namin, may kontrata siya sa Star Magic.
Pang-leading man ang aktor, guwapo at parang magkakaroon sila ng chemistry ni Marian kung pagsasamahin sa proyekto. Nakarating pa kaya rito na interesado sa kanya ang GMA 7, kaya lang, nauna na si Will.
Ang masasabi lang naming clue sa identity ng aktor ay may letter E sa pangalan at apelyido niya at naging controversial na rin dahil sa kanyang love life.
Rocco gustong bumalik sa pagna-nurse
Nurse first si Rocco Nacino bago naging artista, kaya nakisimpatiya ito sa volunteer nurse sa Upi, Maguindanao na na-rape at sinaktan.
“Nakalulungkot dahil ginawa lang niya ang trabaho niya tapos ganun pa ang nangyari. Sana justice will prevail,” sambit ni Rocco.
Kapag wala na siya sa showbiz, gustong balikan ni Rocco ang pagiging medical worker, pero matagal pa yata ’yun dahil maganda at mabilis ang takbo ng kanyang career. Sa Monday, eere na ang Koreana kung saan isa siya sa dalawang kapareha ni Kris Bernal.
Flattered si Rocco sa mga projects na dumadating sa kanya at ayaw niyang lumaki ang kanyang ulo at sa halip, tinitingnan na challenge ang nakaka-appreciate sa kanya. Naniniwala siyang mabibigyan ng same opportunity given to him sina Steven Silva at Enzo Pineda.
Hindi demotion ang tingin ni Rocco na inalis siya sa soap nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe at inilipat sa Koreana. Masaya siya kahit saan siya ilagay dahil trabaho pa rin ang haharapin niya at gusto niya ang karakter niya sa Koreana bilang sangganong si Benjo.
Masaya ring ibinalita ni Rocco na magkaka-pelikula na rin siya at last Tuesday ang storycon ng project under APT Entertainment.
Ian at Ahron sinakyan ang gimik!
Nakitang magkasama sina Ian Batherson at Ahron Villena sa isang bar at may kasama pa silang dalawang tao. Ang sighting sa dalawa na kaya ang simula sa suggestion ni Ahron kay Ian na sakyan nila ang tsismis sa kanila.
“Gusto mo, sakyan natin?” ang sinabi ni Ahron kay Ian sa pinag-uusapang bromance na nagsimula sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown.
Mismong nakapag-interview kay Ahron ang nagtsika nito sa amin, kaya may kokontra ’pag magdi-deny siya.
Samantala, ayaw kumpirmahin ng mga kinauukulan na ang next season ng Survivor Philippines ay Heroes and Villains. Smile lang ang sagot ng itinanong ni Dinno Erece sa kumalat na balita.
Manikin
Guest sa Manikin episode ng Kaya ng Powers mamaya si Sam Pinto bilang si Bebe Girl, boutique owner na ang gagamiting manikin ay napagpalit ng robot ni Doc Powers (Joey Marquez).
- Latest