^

PSN Showbiz

Juday nanganak na!

-

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng October 10 ang panganganak ni Judy Ann Santos. Kahapon, October 7, bago mag-ala sais ng gabi, iniluwal na niya ang unang anak nila ni Ryan Agoncillo sa Asian hospital - normal delivery. Baby boy ang unang anak ng mag-asawa na pinangalanan nilang Juan Luis.

Andi mapangahas na

Magiging mapangahas na si Andi Eigenmann.

Yup, ilalabas na niya ang lahat sa isang bagong bihis na Your Song ng ABS-CBN ngayong buwan.

Mula sa dating mga nakakakilig na mini-series, bibigyan nito ng pagkakataong makapagpakitang-gilas ang mga bagong henerasyon ng mga aktor at aktres. At una ngang bibida rito ang Heiress of Drama na si Andi.

Sa katatapos na Agua Bendita, ginampanan ni Andi ang dual role bilang ang kambal na si Agua at Bendita. In fairness, pinatunayan niya sa seryeng ito na hindi lamang siya basta anak ng batikang aktres na si Jacklyn Jose. Napatunayan niyang kaya niyang lumikha ng sariling marka sa showbiz.

Patunay na taglay niya sa kanyang pagkatao ang dugo ng isang magaling na aktres, sa bagong Your Song, bago rin daw Andi ang mapapanood.

Mas mature.

Walong bagong papel at walong batikang direktor tulad nina Erick Salud (direktor ng I Love Betty La Fea at Kung Tayo’y Magkakalayo) at Tots Sanchez (resident director ng Your Song at direktor ng Agua Bendita) ang huhusga sa galing ni Andi sa pag-arte.

Hindi lang daw mabait na Agua o spoiled brat na Bendita ang makikita nito.

At for the first time, makakasama niya rito ang nanay niyang si Jaclyn. “Masaya akong makasama ulit si mommy sa screen. The mother-daughter relationship here in the story is very different from how we really are off cam,”  pagkukuwento ni Andi sa pagsasama ulit ng nila kanyang mommy.  

Anyway, tingnan natin kung hanggang saan ang ipakikita niya.

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANDI

ANDI EIGENMANN

BENDITA

ERICK SALUD

I LOVE BETTY LA FEA

JACKLYN JOSE

JUAN LUIS

YOUR SONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with