^

PSN Showbiz

Alyna humahataw sa ratings!

-

MANILA, Philippines - Humahataw sa ratings ang afternoon program ng ABS-CBN na Alyna. Nakakuha ng 15.1 ratings ang Alyna kumpara sa kalaban na 13.0. Hindi bumitiw ang mga manonood sa mga su­munod na araw dahil patuloy ang pagtaas ng ratings ng Alynna.

Umabot din ng 16.6 ang ratings nationwide at pinaka­mataas sa lahat ng ABS-CBN shows na panghapon. 

Maliban sa cast at crew ng Alyna, nagpapasalamat si Shaina Magdayao sa patuloy na sumusuporta sa kanyang first lead role show.

“Sobrang happy ako sa magandang pagtanggap ng mga viewers sa Alyna. Sisiguraduhin po naming hindi sila mabibigo sa mga susunod pang episodes dahil patuloy pa naming pagagandahin ang istorya.”

Sobrang saya ng young actress sa mga nangyayari sa kanyang karera kaya naman mas lalo pa siyang inspired na pagbutihin ang kanyang trabaho at dedma sa mga intriga. “Kahit pagod at puyat sa taping, nawawala lahat lalo na’t nakakatanggap ako ng mga appreciation from the viewers. They call me Alyna, hindi na Shaina. Talagang nakakatuwa.”

Kapansin-pansin ang lalo pang gumaling si Shaina sa pag-arte at maging ang chemistry niya sa dalawang leading men na sina Jason Abalos at Sid Lucero ay click din sa mga manonood.

Malamang malaki ang naitulong ng mara­ming intriga sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

vuukle comment

ALYNA

ALYNNA

HUMAHATAW

JASON ABALOS

JOHN LLOYD CRUZ

SHAINA

SHAINA MAGDAYAO

SID LUCERO

SOBRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with