^

PSN Showbiz

Ganti kay Mariel, Zanjoe pumiyok sa issue ng panliligaw sa anak ni Robin

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nagugulat si Zanjoe Marudo kung saan nanggagaling ’yung balitang nagbabalak siyang ligawan ang anak ni Robin Padilla na si Queenie. Kagaga­ling lamang niya sa isang failed relationship with Mariel Rodriguez na asawa na ngayon ng lalaking ama ng sinasabing nililigawan niya. Bukod sa walang katotohanan ang balita, sinabi niya na hindi siya ang tipo na ganun kadaling mag­hanap ng bagong girlfriend.

Nakapagtataka ba kung mahiya siya sa anak ni Binoe na inamin niyang hindi pa niya nami-meet personally? Feeling niya na hindi magandang gimik ’yun para kay Queenie at maging sa kanya.

Oo nga naman. Kayo talaga makaisip lang ng gimik ’yung suntok sa buwan pa. Mag-isip nga kayo ng iba pa!

Bahay ni iza, ligtas na!

Yehey!!! ’Di na ibebenta ni Iza Calzado ang bahay na binili niya kay Rufa Mae Quinto at pinag-ipunan niya ng matagal. For a while ay naisip niyang ibenta ito dahil wala siyang projects at marami siyang bayarin. Hindi naman siya ’yung tipong mamamalimos ng assignment dahil sa totoo lang naman, hindi naman siya pipitsuging artista.

Bago pa mangyari ang bentahan, nagsunud-sunod ang mga trabaho niya. May pelikula (White House sa Regal Films), lifestyle show sa QTV 11 (Sweet Life with Lucy Torres-Gomez) at Beauty Queen, isang teleserye sa GMA 7.

Kaya ligtas na ang bahay niya!

Rocco at Steven matindi ang hamon

’Di dapat magalit sina Rocco Nacino at Steven Silva kung sabihin man ng iba na hindi sila ka-level ni Aljur Abrenica dahil totoo naman ito. May mga napapatunayan na ang naunang nanalo sa kanila sa StarStruck at kahit pare-pareho ang mga talent nilang tatlo, the fact remains na may nauna kina Rocco at Steven na si Aljur nga.

Pero hindi ibig sabihin ay hindi sila puwedeng makaagapay kay Aljur. Kung mabibigyan sila ng mga tamang proyekto at maalagaan din ng Kapuso Network, mararating din nila ang stardom.

Dapat nga ay ma-inspire pa sila na magsumikap para maabot ang kinaroroonan ng dating ka-loveteam ni Kris Bernal na ngayon ay ka-loveteam na rin nila.

Sa halip na masiraan ng loob, dapat tanggapin nila ang lahat ng hamon na darating sa kanila.

Vice may katuwiran

 Totoo rin naman ang sinabi ni Vice Ganda na hindi siya natatakot kay Chairman Consoliza Laguardia ng Movie and Television Review and Classification Board. Kung wala naman siyang ginagawang masama eh, bakit nga siya matatakot? Katuwiran niya, gusto lang niyang magpasaya ng tao. At wala rin siyang ginagawang palusot sa mga sinasabi niya sa Showtime.

Sila lamang ang nagbibigay ng masamang kahulugan sa mga sinasabi niya. Pero siya, dire-diretso lamang magsalita at wala siyang ibig sabihin sa mga sinasabi kundi ang talagang kahulugan nito.

Oo nga naman, bigyan natin si Vice Ganda ng benefit of the doubt. Mukha namang matalino siya at alam kung ano ang tama at mali, ’yung puwede at hindi sa TV.

                                               

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BEAUTY QUEEN

CHAIRMAN CONSOLIZA LAGUARDIA

NAMAN

NIYA

SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with