^

PSN Showbiz

Story ng soap opera binago

- Nitz Miralles -

MANILA, Philippines - Sa original story ng isang tumatakbong soap, may eksenang mag-uusap ang bida at kontrabidang babae towards the ending. Pero sa Pinoy adaptation ng soap, hindi na kinunan ang nasabing eksena dahil nagkaroon ng conflict ang bida at kontrabida.

In fairness sa kontrabidang babae, maganda ang sagot niya kung bakit hindi na kinunan ang eksenang mag-uusap sila ng bidang babae. Marami nang eksenang nakunan at hahaba ang takbo ng istorya kung isasama pa ang eksena nilang dalawa.

Wala na ring chance na magkita pa sila ng bidang babae na mas maganda para walang isyu dahil binabantayan pa rin up to now ang mga kilos at pahayag nila.

Meeting sa GMA ni Jewel, wala pang resulta!

Nakipag-meeting noong Monday si Jewel Mische sa management ng GMA Network at GMA Artist Center tungkol siguro sa kagustuhan nitong lumipat either sa ABS-CBN o TV5. As of today, wala pang nakapagkukuwento sa amin sa naging resulta ng meeting na ’yun.

Kami ay naniniwalang may itatakbo pa ang career ni Jewel kung bibigyan lang siya ng project dahil paano niya maipapakita kung may improvement siya kung wala namang project? Ang daming bagong soap ng GMA 7, bakit hindi siya isama at bakit hahayaang lumipat sa iba?

Nabalita noon na kasama si Jewel sa Captain Barbell ni Richard Gutierrez, bakit hindi ituloy? Sabi naman ng aktor, okay sa kanyang makatrabaho ang ex-GF and for sure, okay din kay Jewel dahil friends naman sila.

vuukle comment

ARTIST CENTER

CAPTAIN BARBELL

JEWEL MISCHE

MARAMI

NABALITA

NAKIPAG

PERO

PINOY

RICHARD GUTIERREZ

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with