Kris abala sa non-showbiz dyowa
Dapat dobleng pag-iingat ang gawin ng mga bumubuo ng programang Showtime ng ABS-CBN dahil inamin mismo ni Chairman Consoliza Laguardia ng Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB) na binabantayan nila ng husto ang programa.
May kuwento kung bakit sila naghihigpit – ito ay nang mag-guest si Rosanna Roces sa nasabing programa at magsalita ng hindi maganda tungkol sa mga guro. Nagsilbi itong dahilan para bigyan ng opisina niya ng suspensiyon ang Showtime na kinontra ng ABS-CBN na sa kalaunan ay napanalunan ng Showtime ang kaso.
Sa kanyang pagbisita sa programang Paparazzi ng TV5, pinapag-ingat ni Chairman Laguardia ang unevictable judge na si Vice Ganda dahil may mga binibitiwan itong mga salita na may double meaning o may ibang kahulugan.
* * *
Kaya naman pala madaling naka-move on si Kris Bernal sa naging paghihiwalay ng loveteam nila ni Aljur Abrenica dahil mayroon na siyang boyfriend. Non-showbiz ito at balitang lokong-loko sa kanya. Eh, bakit naman hindi eh, napaka-sweet naman ng aktres at siguro natuto sa naging relasyon nila ng ka-loveteam kung kaya very protective ito sa kanilang relasyon ng boyfriend and keeps their relationship very, very private.
Kararating lang ni Kris mula sa kanyang bakasyon sa US pero agad ay may dinatnan siyang project from GMA, isang serye na kung saan ay gaganap siyang isang Koreana, titulo rin ng nasabing serye.
* * *
Umatras na nang umatras ang araw ng pagbibigay ng pagkilala ng ilang awards giving bodies, sa musika sa panig ng mga taga-PMPC at sa mga artista sa pelikula para naman sa mga taga-Famas.
Ang mahirap na ekonomiya ng bansa ang pangunahing sanhi ng pagkakaurong ng dalawang awards nights na medyo may kahirapang bigyan ng kaganapan.
Ang Famas Awards ay magaganap na sa buwan ng Nobyembre, sa ika-19 sa GSIS Auditorium, Macapagal Blvd., Pasay City.
Ang 2nd PMPC Star Awards for Music ay sa Linggo na, Oktubre 10, sa Lee Irwin Theater ng Ateneo sa Katipunan.
Katulad ng ginaganap na Movies at TV Star Awards, pinagbubuhusan ng mga taga-PMPC na binubuo ng mga entertainment writers ng mahabang panahon at masusing pagpili ng mga natatanging singers, bands at record producers na gumawa at nagprodyus ng mga magagandang album ng nakaraang taon. Inaasahan na katulad nung unang Star Awards for Music, magiging masaya, matagumpay, makulay at star-studded din ang gaganaping awards night nila sa Linggo.
- Latest