^

PSN Showbiz

KC at Toni naging nega sa pagpatol kay Mariel

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Pasensiya na po. Garbled ang lumabas na Show-My kahapon.

* * *

Naaliw ako sa Pilipinas Win na Win kahapon. Nagpasiklab ang grupong Hitmakers - ang OPM legends na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison, at Nonoy Zuñiga bilang mga bagong hosts ng program.

Mabenta ang mga hirit nila lalo na dun sa portion ng Reyna ng mga Emote. Pero may bantay para ‘di makalusot ang kabastusan lalo na ni Rico J.

Saka advantage na totoong singer ang apat. Hindi masakit sa tenga ang mga kanta nila kahit ulit-uliting patugtugin.

Malaking tulong pa ito sa OPM, mapo-promote ang mga kanta nilang classic na ngayon ay swak sa nasabing programa. Malamang ma-revive pa ang mga album nila.

Si Mr. Freddie Garcia pala ang may idea na ang grupo ang isabak sa pangtanghaling programa ng ABS-CBN.

At mukhang tama ang choice. Malaking-malaki ang potential na pumatok sila kahit na nga sinasabing mga senior citizen na ang apat. In fairness, parang hindi naman tumatanda ang mga hitsura nila. 

Saka with Mr. Garcia around, parang hindi sila magkakamali.

Kasama ring ipinakilala kahapon ang dalawang babaeng co-hosts na regular na ring makakasama tuwing hapon - sina Janelle Jamer na nagbabalik-telebisyon. “Excited na ako kasi na-miss ko ito,” sabi ni Janelle na sandaling naging maingay ang pangalan nang mabalitang karelasyon noon si Willie Revillame na madalas daw mag-away dahil sa selos. Ito rin daw ang dahilan ng paglayas ng TV host at nag-press release pa na susubok ng career sa Amerika. Pero heto siya, nagbabalik.

Ang pangalawang bagong host na babae na sinasabing susunod na pag-uusapan ay ang speed talker na si Gee Canlas. Napakabilis nga nitong magsalita. Parang hinahabol sa marathon sa bilis.

Masaya ngayon. Siyempre iba ang dating na walang preno ang bibig nila lalo na si Rico J. na panay na agad ang sigaw na sila ang totoong no. 1 noontime show.

* * *

Nagsanib-puwersa na sina KC Concepcion at Toni Gonzaga laban kay Mariel Rodriguez.

Sa The Buzz, nagsalita na sila last Sunday. Pero imbes na mapunta sa kanila ang simpatiya ng marami, parang napunta kay Mariel. Para tuloy silang naging nega.

Baka naman daw normal comment lang ‘yung ginawa ni Mariel na napalaki lang ng mga tsismosong nasa paligid nila.

Kasi parang normal nga lang naman minsan na may kino-comment ka sa nakikita mo pero at the end of the day hindi naman pala seryoso.

Baka ganun lang daw ang mga nangyari.

Sana raw inayos na lang nila ito nang hindi isinisiwalat sa publiko.

Ang feeling nga raw ng isang taong malapit kay Mariel, masyadong nadehado ang asawa ni Robin Padilla. Bakit daw hindi na lang nila noon isiniwalat ang mga ganitong intriga o kaya ay personal nilang kinausap si Mariel para tapos na ang kuwento. Hindi ‘yung kung kailan nga namang patung-patong ang issue sa TV host.

Oo nga. Especially KC parang masyado siyang class para patulan ang mga ganitong issue.

Pero in fairness, malakas din ang loob nila. Hindi sila nangiming magsalita sa The Buzz eh andun ang manager ng kaaway nila - si Tito Boy Abunda.

GEE CANLAS

JANELLE JAMER

MALAKING

MARCO SISON

MARIEL

NILA

PERO

RICO J

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with