^

PSN Showbiz

TV host-actress grabe kung pawisan ang kili-kili

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

May nakapagbulong sa akin tungkol sa isang sikat na aktres na nag-taping kamakailan. Sobrang init daw sa loob ng studio dahil sa rami ng mga ilaw. Dahil dito, namasa ng husto ang kili-kili ng sikat na aktres kaya kumuha ito ng maraming tissue at inilagay sa kili-kili para punasan ang sobra-sobrang pawis.

Makikita nga naman ang basang kili-kili sa sleeves ng damit at hindi ito magandang tingnan lalo na at banidosa ang aktres na magaling ding TV host.

*    *    *

Maraming humanga sa seksing katawan ngayon ng magandang aktres na si Iza Calzado na isa sa mga bida sa White House.

Bunga ng sobrang diet at work out ang bagong katawan ng aktres na ipapalabas na rin ang bago niyang teleserye, Beauty Queen.

Tinanong nga pala si Iza kung sakaling totoong may reality show ng katatakutan, papayag din ba siyang tumira sa isang haunted house ng limang araw na ang premyo ay isang milyong piso? At sino kaya ang gusto niyang makasama?

“Naku, hindi bale na lang ang one million dahil tiyak na hindi ako tatagal sa house na may nagmumulto! Siyempre isasama ko ang aking boyfriend dahil may presence of mind siya sa nakakatakot na lugar. Eh kung ang tatay ko (Lito Calzado) ang isasama, baka himatayin pa siya,” kuwento pa ng aktres.

*    *    *

Mula sa pagbabakasyon sa Amerika ay sasabak na naman sa trabaho si Kris Bernal via Koreana. Nilinaw naman nito na hindi selos ang dahilan kung bakit siya nagtungo ng Tate dahil regular pa rin naman daw ang komunikasyon nila ni Aljur Abrenica.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

AMERIKA

BEAUTY QUEEN

BUNGA

DAHIL

IZA CALZADO

KRIS BERNAL

LITO CALZADO

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with