^

PSN Showbiz

Kung dati ang nanay ang ayaw Patrick tumangging makatrabaho si Jennylyn

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Siyempre naalala n’yo ang item namin kahapon tungkol sa pakikipag-meeting ng isang talent manager para makasama ang alagang actor sa isang bagong soap ng network. Nag-promise kaming ibabalita ang resulta ng meeting at pangalanan ang mga involved sa item.

Si Arnold Vegafria ang talent manager at si Patrick Garcia ang controversial actor na pinag-mitingan nila ng program manager ng bagong soap ng GMA 7 na bida sina Jennylyn Mercado, Lovi Poe at Mark Anthony Fernandez.

In-offer kay Patrick ang isang role sa soap na may tentative title na Tatlong Ina, Isang Anak, pero hindi raw nito tinanggap at naintindihan ang kanyang rason. Sayang dahil magkakasama sana sila ni Jennylyn na open sa pagsasabing kaya na niyang makatrabaho ang ama ng anak na si AJ, lalo na ngayong friends na sila.                                                                                                                  

*    *    *

Hindi kami magugulat kung may isang Kapamilya star na magiging Kapuso, ito ay kung tatanggapin ang offer ng GMA 7 sa kanya na maging isa sa cast ng bagong show ng network na kino-conceptualize.

Nakausap na raw ang talent at ang manager nito at inilatag na ang project na ino-offer sa kanya at kung sino ang mga makakasama.

Kapag natuloy lumipat ang talent sa Channel 7 at sa hindi pa namin mabanggit na project, hindi na sila magkakailangan ng lead star dahil nagkasama na sila sa ilang projects.

*    *    *

Mukhang hindi papayag ang GMA 7 na matuloy pang lumipat sa TV5 si Pauleen Luna dahil after, may bago raw siyang project na hindi pa sinabi kung ano. Ang alam niya, pang-primetime ang next project niya.

May dalang camera si Pauleen sa last two days taping ng Trudis Liit at kinukunan ng picture ang mga kasama. Mami-miss daw niya ang mga ito na naging very close sa kanya, gaya ni Mel Kimura na gusto niyang makatrabaho uli at si Gina Alajar at inseparable sila sa taping.

Sa Trudis Liit  din sila naging friends ni Maxene Magalona na matagal na pala niyang kilala dahil ang ama niya at si Francis Magalona ay magka-car pool noong nag-aaral pa.

Walang lovelife si Pauleen ngayon at si Dennis Trillo ang last boyfriend niya. Itinanggi nito ang isyu sa kanila ni Steven Silva dahil hindi raw porke minsang nag-text sa kanya ay nanliligaw na.

 “It’s my choice kung bakit wala akong BF and I don’t look for it. I’m busy with my career. I don’t go out and I don’t get to meet other people. But I’m in love with Ian Somerhalder, the actor who plays Damon Salvatore in Vampire Diaries. I’m very positive, magmi-meet kami one day dahil ang future plan ko is to try Hollywood at dun kami magkikita,” sabi ni Pauleen na ipinakita pa ang picture ng actor sa kanyang camera.

BUT I

DAMON SALVATORE

DENNIS TRILLO

FRANCIS MAGALONA

GINA ALAJAR

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with