Marian in demand sa batang mabigat ang karamdaman
Natawa ako sa sinabi ni Atty. Lorna Kapunan tungkol kay Kris Aquino. Ang sey ni Atty. Kapunan, “It’s really sad. Her whole life has become a drama.”
Si Atty. Kapunan ang lawyer ni James Yap at siya ang sumasagot sa lahat ng mga pahayag ni Kris laban sa basketbolista na mas pinili na manahimik.
Kung nakakaloka ang mga statement ni Kris tungkol kay James, equally nakakaloka ang mga sagot ni Atty. Kapunan.
Ang lawyer ni James ang kumontra sa sinabi ni Kris na hindi nagbibigay ng sustento si James sa kanilang anak na si Baby James.
Ang sey ni Atty. Kapunan, nagbukas si James ng trust account para kay Baby James at nangyari ito bago pa nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng future ex-mag-dyowa.
* * *
Hindi ko type ang mga tsismis na nagli-link kina Ian Batherson at Ahron Villena. Hindi makakatulong kay Ian ang isyu dahil nabubuhay na naman ang lumang isyu na baklita siya.
Magkasama sina Ian at Ahron sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown. Binigyan ng malisya ang closeness ng dalawa sa isla as in may nagkalat ng tsismis na may “bromance” sila.
Siyempre, nag-deny at pinagtawanan nina Ian at Ahron ang tsismis. Alangan naman na aminin nila eh di lalong nasira ang kanilang mga macho image?
Tama na ang isang beses na denial nina Ian at Ahron dahil kung paulit-ulit nilang sasagutin at lilinawin ang tsismis, baka lalong lumaki ang isyu at maging totohanan na ang pagdududa ng mga tao sa kanilang mga kasarian.
* * *
Nakangiti si Lotlot de Leon nang sagutin nito ang mga pahayag ni Pilita Corrales pero halatang-halata na hindi siya natutuwa sa mga paratang ng kanyang ex-mother in law.
Napanood ko ang guesting ni Mama Pilita sa Paparazzi. Nakakaloka ang mga sagot ni Mama Pilita sa mga tanong tungkol kay Lotlot kaya hindi natin ito masisisi kung na-hurt siya sa mga siney-sey ng madir ni Monching Gutierrez.
Mukhang malabo nang bumalik ang dating magandang pagsasama nina Lotlot at Mama Pilita dahil sa kanilang mga sagutan portion na napapanood natin sa TV.
* * *
Dinalaw ni Marian Rivera sa ospital ang kanyang 12-year-old fan na may sakit na kanser.
Request ng bagets na makita ng personal ang kanyang idol.
Kinunan ng Startalk ang pagbisita ni Marian sa ospital at ipinalabas ito kahapon sa aming show.
Harinawang makatulong sa paggaling ng pasyente ang pagdalaw sa kanya ni Marian na in demand ang presence sa mga bata na may mabigat na karamdaman.
* * *
Nakikiramay ako kay Mr. Fu dahil sa pagpanaw ng kanyang tatay na nakatira sa Saudi Arabia.
Masayahing tao si Mr. Fu sa harap ng kamera pero dinaramdam niya ang pagkakasakit ng kanyang ama.
Napanood ko ang pagpapaalam noon ni Mr. Fu sa Tweetbiz at talagang napa-cry siya nang ikuwento na naka-confine sa ospital ang kanyang ama at ang pag-goodbye niya sa Tweetbiz.
- Latest