^

PSN Showbiz

'Likas na yaman, huwag pabayaan' - Mother Ricky

-

MANILA, Philippines -  Gugunitain ang mga nakalulunos na karanasan ng mga Pilipino sa bagyo at bahang hatid ni Ondoy sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes nga­yong Linggo alas-diyes ng umaga sa Q Channel 11 na ang titulo ng episode ay Likas na Yaman Huwag Pabayaan.

Bilang pag-iingat na maulit ang pagkawala ng maraming buhay at pagkapinsala ng kabuhaya’y mayroong waste management care of the material recovery facility sa Teresa, Rizal na tampok sa show.

Ipakikita rin ang JY Firebricks na nakatuklas ng paraan para laging maging malinis ang hangin at mawala ang maitim na usok kapag gumagamit ng uling at kahoy sa pagluluto.

Mayroon pang tree planting sa Antipolo, Rizal na ang sumali ay mga guro, estudyante at winners ng 2010 Miss Philippines Earth.

 “Lahat ng mga proyektong itatampok nami’y para sa pangangalaga ng kalikasan. Dapat imulat ang mga kabataan sa love of nature. Para sa kanilang kinabukasan ang ginagawa nating pagtatanim, proper waste management at iba pang pag-iingat ng kapaligiran,” sabi ni Mader Ricky na laging may panahon para sa mga mabubuting layunin.

Ang 19 year old student na si Eliza Magbitang ang modelo sa make-over sa Great Hair Day na ang co-host ay si Wendy Valdez.

ELIZA MAGBITANG

GANDANG RICKY REYES

GREAT HAIR DAY

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

MISS PHILIPPINES EARTH

Q CHANNEL

RIZAL

WENDY VALDEZ

YAMAN HUWAG PABAYAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with