Bela si Richard naman ang target!
Hindi talaga nagkamali ng paglipat si Sam Pinto sa GMA7. Ang daming magagandang plano para sa kanya ang network. Pero habang hinihintay niyang mag-materialize ang mga ito, hindi siya magkandaugaga sa rami ng kanyang mga guesting sa Kapuso Network at magsisimula na siyang mapanood sa Ilumina.
* * *
Alaga na rin daw ni Mama Annabelle Rama ang aking good friend na si Gloria Romero. Hinahanapan niya ito ng projects sa TV5.
Bakit napapabayaan na ba ng Dos si Mareng Glo? Baka. Dahil hindi naman ito maghahanap ng assignments sa ibang network kung alaga siya ng ABS-CBN.
* * *
Bilib din naman ako sa propesyonalismo ni Mama Annabelle. Kahit may nakaraan si Pilita Corrales sa kanyang dear dear husband na si Eddie Gutierrez at nagkaroon pa sila ng anak, si Ramon Christopher, hindi ito naging sagabal para tanggihan nila ni Eddie ang isang project na kung saan ay makakasama nilang mag-asawa ang hanggang ngayon ay in demand pa ring singer. May bagong show si Pilita sa TV5 na kung saan ay magkakasama-sama sila sa show nina Eddie, Annabelle, Danita Paner, at JC de Vera.
I’m sure riot ito. Dalawang bisaya sa isang show?
* * *
Naunang maging real muna ang tandem nina Richard Gutierrez at Solenn Heussaf bago ito maging reel.
Balak daw ng mga bossing ng Kapuso network na pagtambalin sila sa isang proyekto na inihahanda for next year.
At si Bela Padilla raw ang magsisilbing kontrabida nila.
Hindi kaya sina Solenn at Bela ang sunod na mag-away? Sana hindi.
Mukha namang hindi nakaapekto sa kamag-anak ni Robin Padilla ang naging pag-aaway nila ni Dyesebel (Marian Rivera) dahil agad siyang nabigyan ng bagong assignment.
- Latest