^

PSN Showbiz

Studio 23 humabol sa pang-apat

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Sa Lunes, October 4 pa naman pala papasok ang Hitmakers sa Pilipinas Win na Win. Ito ang pagtutuwid na ipinadala ni Mr. Bong Osorio, ABS-CBN Head of Corporate Communications kahapon.

Naunang napabalita na sa Sabado na ang simula ng apat na beteranong singer – Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison, and Nonoy Zuñiga – kung saan makakasama ng apat sina Pokwang at Valerie Concepcion pa rin.

Pero today, tuloy na raw ang pamamaalam ni Kris Aquino sa nasabing show.

* * *

Maiiba ang trip simula sa Lunes (October 4) sa bago - mas pinatinding Studio 23.

Kung noon all-English ang kanilang mga palabas, simula next week, iba na. Marami nang Tagalog at marami na silang mga new shows – simula sa balita at cartoons na may dubbing na Tagalog.

Mas pabobonggahin daw nila. Nasa ika-apat na puwesto na pala ang Studio 23 sa nationwide TV ratings data ng Kantar Media noong Agosto.

Nagtala ang Studio 23 ng audience share na 4.1% noong Agosto o katumbas ng 153% na paglaki mula sa 1.6% audience share nito noong Enero. Ito na ang pi­na­kamataas na naitalang audience share ng Kabarkada network ngayong 2010.

Ang naturang pamamayagpag, ayon kay Studio 23 Head March Ventosa, ay dahil sa pag-ariba ng mga programa ng Studio 23 tulad ng Koreanovelas, animes, Top Rank Boxing matches, UAAP/NCAA games at Lunch Box Office. Kamakailan ay inilunsad din nito ang Double Primetime programming kung saan may ipinapalabas na pelikula gabi-gabi sa Barkada Nights na susundan ng US hit programs.

At 15 taon na pala sila sa industriya and so far, nanguna sila sa paglunsad ng free-to-air broadcasting tulad ng pagpapalabas ng foreign series dalawang linggo matapos iere sa Amerika sa pamamagitan ng F.U.S.E. or Fresh U.S. Episode campaign nito.

Studio 23 din nga pala ang unang TV network na nagbigay ng libreng pag­pa­panood ng kanilang local at foreign programs sa Internet sa pa­mamagitan ng Catch Up TV (www.studio23.tv).

Sa darating na Lunes ay may bagong Kabarkada morning block na sisi­mulan ng simulcast ng mga programang Radyo Patrol Balita Alas Siete at Dos Por Dos ng DZMM TeleRadyo mula 7:00 a.m. hanggang 8:30 a.m.; 9:30 a.m. susundan ng back-to-back airing ng mga Nickelodeon show tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes at Wonderpets at Chalkzone tuwing Martes at Huwebes.

Ang Double Primetime bobongga sa pagpasok ng apat na bagong local shows.

Ang Korean housemate na si Ryan Bang, may sariling show na - mag-iikot ng siyudad at kikilalanin niya ang buhay Pinoy sa 3ow P0whz! tuwing Lunes, 9:30 p.m..

Kakaiba naman ang programang Usapang Lalake tuwing Miyerkules 9:30 p.m., habang ibabahagi naman nina RR Enriquez at Aaron Atayde ang mga nakakatawang videos sa Pa Bida Ka! tuwing Biyernes sa pareho ring oras.

Ilulunsad din nila ang naiibang news/talk show kasama si Anthony Taberna sa iBA-BALITA tuwing weekdays, 9:00 p.m.

Pagdating naman sa showbiz news, si Gretchen Fullido ang in charge. Sa The Wrap,  weekdays sa ganap na 7:00 p.m.

Mas local na ang dating ng bagong Studio 23.

Hindi na gaanong pa-sosyal kesa noon.

AARON ATAYDE

AGOSTO

ANG KOREAN

ANTHONY TABERNA

BARKADA NIGHTS

BIYERNES

BONG OSORIO

CATCH UP

DOUBLE PRIMETIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with