Aktres nasa kontrata na dapat parating nasa gitna ang puwesto
Dalawa sina Jennylyn Mercado at Lovi Poe sa Kapuso leading ladies na gustong makapareha ni Mark Anthony Fernandez. Nabigyan siya ng chance na makatambal si Lovi sa Say I Do episode ng Love Bug at maganda ang feedback sa tambalan nila.
Matutupad na rin ang gusto ni Mark na makatrabaho si Jennylyn dahil siya ang leading man nina Jennylyn at Lovi sa afternoon soap na Paano Ba Ang Maging Isang Ina? (hindi kami sure kung ito ang right title). Ang aktor ang ipinalit kay Rocco Nacino na first choice na guy na pag-aagawan ng dalawang aktres pero inilipat ito sa Koreana.
Mas bagay namang love triangle sina Jennylyn-Mark-Lovi at tiyak na aktingan ang mangyayari sa tatlo. Sa Oct. 11 na sisimulan ni Direk Maryo J. delos Reyes ang taping sa bagong soap na mid-October ang airing.
Naalala naming muntik nang magkasama sa pelikulang Rosario sina Mark at Jennylyn dahil ang aktor dapat ang gaganap sa role na napunta kay Sid Lucero. Nagkaroon lang ng conflict sa schedule dahil that time, ginagawa nito ang Diva.
* * *
Noon pa namin napapansing laging nasa gitna ang puwesto ng magandang aktres tuwing may production number ang grupo nila sa isang musical show. Kahit hindi siya ang may pinakabonggang number, hindi nagbabago ang kanyang puwesto at sa gitna pa rin siya.
Nagtanung-tanong kami at nalamang nasa kontrata ng magandang aktres na kailangang laging nasa gitna siya sa mga gagawing production numbers. Ang taray ’di ba? Alam kaya ng mga kasama ng aktres sa grupo na may ganung kontrata ito?
Tuwing naiinterbyu ang magandang aktres ngayon, laging sinasabing honest na siya sa pagsagot sa mga tanong ng press mapa-career o lovelife niya.
Sagutin kaya nito ang kakaibang clause sa kanyang kontrata ’pag aming tinanong?
* * *
Nasa GMA 7 na pala ang Magalona siblings na nasa showbiz at ang latest na Kapuso sa magkakapatid ay si Saab na kasama sa cast ng Koreana. Kontrabida ni Kris Bernal ang role ng dalaga at tiyak na aabangan ng mga viewers kung anong klaseng kontrabida ito.
Dumating kaya ang araw na magsama-sama sa isang show sina Maxene, Elmo, Arkin at Saab? Magandang idea, hindi ba? Paging GMA 7!
* * *
Ayaw nang palakihin ng TV5 ang isyu kina Alex Gonzaga at Nadia Montenegro dahil sa mga anak ng huli na pinintasan ng una. Ang tsika sa amin, nag-usap na sina Nadia at Alex last Sunday after PO5 at nagkaayos na ang dalawa.
Kaya lang parang mahirap paniwalaang nagkausap na sina Nadia at Alex dahil Monday na-forward sa amin ang text message ni Nadia kay Alex requesting the TV host to stop criticizing her kids dahil walang ginagawang masama sa kanya sina Yana at Yka.
Bukas, live ang Juicy at magkakaroon ng chance si Alex to air her side of the story at linawin na rin kung totoong pinintasan niya ang mga bagets ni Nadia.
- Latest