Sarah nakikipagsabayan kay Coco sa aktingan!
MANILA, Philippines - Hindi lang pala pang comedy or light drama ang kaya ng Idol ng bayan na si Sarah Geronimo.
Pinatunayan ng tinaguriang Pop Princess na kaya rin nitong makipagsabayan sa mga bigating eksena sa Idol tulad na lamang ng tagpo nila ni Coco Martin noong nakaraang linggo kung saan sumabak ang dalawa sa isang matinding komprontasyon.
“Magaling si Sarah. Madadala ka rin sa kanya eh. ‘Di mo iisipin na may lalim ang pag-arte niya dahil napaka-natural at masayahin niya talaga sa loob at labas ng kamera. Kaya noong may eksena kami na medyo mabigat, hindi siya talaga nagpahuli. Galing talaga,” pahayag ni Coco.
Patuloy na tutukan ang Idol tuwing Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng Noah.
- Latest