Anak ni Robin wala pang bonding kay Mariel
MANILA, Philippines - Nahagip ng TV crews si Queenie Padilla the night sa birthday celebration ng aming kaibigang entertainment editors na sina Dondon Sermino and Jerry Olea sa Imperial Suite last Wednesday night.
Siyempre hot item si Queenie dahil sa kanyang tatay na si Robin at stepmother niyang si Mariel Rodriguez.
Game naman si Queenie. Umamin siyang naguguluhan din siya sa mga pangyayari sa kanyang ama.
Pero tanggap niya dahil masaya na uli ang daddy niya at may makakasamang mag-aalaga.
Though hindi pa pala niya gaanong kilala si Mariel, base sa mga naririnig niya lang kaya nasasabi niyang mabait ang TV host at mahal ang kanyang ama.
Wala pa rin silang bonding ni Mariel. Minsan lang nang manood sila nito ng sine sa Makati.
Tungkol sa ginanap na kasalan, maging siya ay walang alam. Nasa blow out party siya ng Momay (programa niya sa ABS-CBN) nang malaman niya. Of course, na-shock din siya.
Pero ang importante ay masaya ang tatay niya.
Actually, nung una parang hesitant siyang magpa-interview tungkol sa kanyang bagong kasal na tatay dahil feeling niya, hindi siya sisikat kung parati na lang nakakabit ang pangalan niya sa kanyang ama. Pero wala siyang nagawa, napilit siyang magsalita.
Nakabukod ng tirahan si Queenie ngayon dahil may previous agreement sila ng kanyang mommy na si Leizel Sicangco na uuwi ito twice a year. Pero naging magulo nga ang sitwasyon.
Nasa Australia na ang kapatid niyang si Allih at masaya itong kasama na ang nanay nila.
Seven years ang agwat ng edad nila ni Mariel at wala pa siyang label ng tawag kay Mariel — kung tita, mom, o Mariel.
Taj Mahal hindi karaniwang pinagkakasalan
Hindi naman pala karaniwang lugar ng kasalan ang Taj Mahal na ayon sa Wikipedia ay isang “mausoleum located in Agra, India. It is one of the most recognizable structures in the world. It was built by Mughal emperor Shah Jahan in memory of his third wife, Mumtaz Mahal. It is widely considered as one of the most beautiful buildings in the world and stands as the symbol of eternal love.
“Taj Mahal is the finest example of Mughal architecture, a style that combines elements from Persian, Islamic and Indian architectural styles.
“In 1983, the Taj Mahal became a UNESCO World Heritage Site. While the white domed marble mausoleum is the most familiar component of the Taj Mahal, it is actually an integrated complex of structures. The construction began around 1632 and was completed around 1653, employing thousands of artisans and craftsmen. The construction of the Taj Mahal was entrusted to a board of architects under imperial supervision, including Abdul-Karim Ma’mur Khan, Makramat Khan, and Ustad Ahmad Lahauri. Lahauri is generally considered to be the principal designer.”
Sa nasabing lugar ikinasal sina Robin at Mariel. Pero walang photos na magpapatunay na ikinasal sila roon. Lahat ay pictorial lang sa labas ng museleo.
- Latest