^

PSN Showbiz

Lolo at lola ni Mariel biglang sumaya!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Matapos kumpirmahin nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang kanilang pagpapakasal sa Taj Mahal sa India noong Aug. 19 ay marami ang natuwa. Ngayon ay masaya na ang lolo at lola ni Mariel na naging emosyonal noong Linggo dahil sa pagkabigla sa balitang pagpapakasal ng kanilang apo kay Robin.

Maging ang mga co-hosts sa Pilipinas, Win Na Win na sina Pokwang at Valerie Concepcion ay tuwang-tuwa rin para sa dalawa.

“Actually, noong kaganapan na inilabas sa ANC, ako ay nasa shooting so tineks ako ni Mariel sabi n’ya mamang buksan mo ang TV mo at manood ka sa ANC. Sabi ko, ‘Anong meron?’ ‘Magsasalita na ’yung asawa ko,’ sagot niya. Na-gets ko na ’yun. Proud ako sa kanila kasi ipinaglaban nila talaga kung ano ang kanilang nararamdaman, umaapaw ako sa saya para kay Mariel at para kay Bebe,” nakangiting pahayag ni Pokwang.

“Hindi na ako masyadong nagulat dahil may idea naman talaga ako kaya lang ay ’di pa talaga confirmed. So nung kinumpirma ni Mariel sa SNN, more on nag-BBM (Blackberry Messenger) ako sa kanya. Confirmed na. Congratulations! Bigla nga akong napaisip eh kung kailan ko kaya mahahanap ’yung sa akin,” pabirong sagot naman ni Valerie. Mayroon ding mensahe sina Pokie at Valerie sa mga taong patuloy na nagda-doubt sa relasyon nina Mariel at Robin.

“Kahit sino sa atin ay wala tayong karapatan na husgahan ang kanilang pagmamahalan dahil tayo ay dumadaan din naman d’yan. ’Yun sila at ’yun ang nararamdaman nila at malaya sila. Let them be,” seryosong mensahe pa ni Pokie.

Say naman ni Val, “Ang importante lang is stay strong and be there for each other, sa bandang huli naman love will prevail.”

o0o

Kamakailan ay na-stroke ang lola ng komedyanteng si Vice Ganda na naka-base sa Amerika. Labis na nag-alala si Vice sa pangyayaring ito dahil malapit siya sa kanyang lola. Noong isang Linggo ay nagpunta ang buong Showtime family sa Amerika para mag-show doon. Nagkaroon ng pagkakataon si Vice na bisitahin ang kanyang lola na nasa ospital. Kamusta na kaya si lola?

“Mayroong part ng utak niya na may kinalaman sa speech niya, na-affect so nung pagdating ko ay ’di na pala siya nakakagalaw at nakakapagsalita. Sobrang depressed sabi ng doktor, kausapin ko raw. ’Tapos pinilit ko siyang kausapin, nagpaalam ako. Sabi ko, ‘Aalis na ako. I’ll go back to my hotel ’tapos babalikan kita bukas.’

“Sabi ko pa sa kanya ‘I love you,’ hindi siya kumikibo. Sabi ko, ‘Sige na say you love me too, kapag hindi ka nag-I love you sa akin ay hindi kita babalikan. Uuwi na lang ako sa Pilipinas.’ Bigla siyang nagsalita ng ‘I love you, too,’ ’tapos nagsigawan na ’yung mga tao sa ospital,” maikling kuwento ni Vice. — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

AMERIKA

BIGLA

BLACKBERRY MESSENGER

LINGGO

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

PILIPINAS

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with