^

PSN Showbiz

Kuwentong nakawan ng menudo nasa Untold Stories mula sa Face to Face

-

MANILA, Philippines - “Pinagbibintangan mo akong nagnakaw ng tortang talong, samantalang ang ulam ko ay menudo?!” Ang hindi malilimutang linya ni Aling Rowena Riferzo nang pagbintangan siyang nagnanakaw ng ulam ng kapitbahay.

Isa lang ‘yan sa sari-saring bintang na ipinukol kay Aling Rowena nang magkaharap-harap ang magkakapitbahay sa talak-seryeng Face to Face ng TV5.

Sa episode ng Untold Stories mula sa Face to Face na pinamagatang Gaano man Kapait ang Kahapon, mas kilalanin ang may-bahay na nagbigay-saya at aral sa Face to Face. Pinangungunahan ng premyadong aktres na si Assunta de Rossi-Ledesma (bilang Aling Rowena) ang episode ngayong Huwebes, kasama rin sina Ian de Leon (Bong) at Paolo Paraiso (Luis), na parehong naging karelasyon ni Aling Rowena.

Bagama’t hindi makasundo ng karamihan sa mga kapitbahay, siksik sa pagsubok ang buhay na pinagdaanan ni Aling Rowena (Assunta de Rossi). Ito rin marahil ang nagtulak sa ale upang maging palaban at palaaway sa mata ng iba.

Isasalaysay ni Amy Perez ang kuwento ni Aling Rowena kaya’t huwag palalampasin ang Untold Stories mula sa Face to Face ngayong Huwebes (Setyembre 23), alas-8:00 ng gabi sa Primetimes5 ng TV5.

ALING

ALING ROWENA

AMY PEREZ

ASSUNTA

BAGAMA

FACE

HUWEBES

PAOLO PARAISO

ROWENA RIFERZO

UNTOLD STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with