^

PSN Showbiz

Daniel super proud kay Heart

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Inspired si Stef Prescott na mag-concentrate sa pagiging kontrabida dahil nakita na niya na puwede rin itong magbigay ng stardom sa kanya, katulad ng nangyari kay Glaiza de Castro.

Naisip ni Stef na kailangan lamang ay maging matiyaga siya at magaling umarte para maabot din ang pinapangarap niya. At hindi man siya maging bida, marami naman siyang trabaho kaya masaya na rin siya.

Gusto rin niyang magmarka bilang kontra­bida. Di bale nang marami ang magalit o mainis sa kanya. Sa pagkaka-elevate kay Glaiza bilang bida, feeling niya mas lumaki ang tsansa niyang makilala bilang bad girl.

*   *   *

Mukhang nagiging mahigpitan ang laban between Enzo Pineda and Rocco Nacino. Balan­se ang ginagawang pagbi-build up sa kanila ng GMA hindi lamang sa assignments kundi maging sa exposure. Marami tuloy ang nalilito sa kung sino sa kanila si Enzo at kung sino si Rocco.

Nasa dalawa na kung sino ang makakau­ngos. Dito mamamayani ang talento, sino ba ang mas may talento sa kanila?

*   *   *

Congrats kina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga. Natuloy na rin pala sa tunay na relas­yon ang pagtatambal nila sa Langit sa Piling Mo. Kaya naman pala sila tinutukso ay dahil may iba nang napapansin ang mga kasamahan nila. Kina­ilangan lamang siguro nila itong ipaglihim para hindi makaapekto sa tambalang Heart/Mark Herras. Pero ngayong tapos na ang serye, puwede na silang mag-come out in the open.

Balitang proud ang modelo sa relasyon nila ni Heart. Katunayan, aalis daw ito pansamantala para umuwi at siguro ipagtatapat na niya sa pamilya ang tungkol sa kanila ni Heart. Balak din daw nitong papuntahin dito ang mga magulang niya para makilala si Heart. Totoo? Seryoso na ba ito?

*   *   *

Pamangkin pala ni Marissa Sanchez si Alwyn Uytingco at boto ito kay Jennica Garcia. Palagi nga raw nitong pinangangaralan ang pamangkin niya na magpakatino kay Jennica para magtagal ang relasyon nila.

Si Jennica daw ang tipo na kapag na-disappoint sa isang karelasyon ay hinihiwalayan ito. Panay ang pangaral nito kay Alwyn na seryosohin ang kanilang relasyon dahil suwerte na ito sa batang aktres dahil mabait ito, maalaga at seryoso sa kanyang pag-aartista.

ALWYN UYTINGCO

DANIEL MATSUNAGA

ENZO PINEDA AND ROCCO NACINO

GLAIZA

HEART EVANGELISTA

JENNICA GARCIA

MARISSA SANCHEZ

MARK HERRAS

PILING MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with