Roxanne kinarir ang pagpapa-dede sa anak
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpa-interview na si Roxanne Guinoo mula nang siya ay manganak noong September 13. Sa The Buzz niya ipinagkatiwala ang kanyang unang pahayag.
Sobrang kinabahan daw si Roxanne noong time na manganganak na siya sa The Medical City sa Pasig. “Kinabahan ako sa mga nangyayari, may lalabas sa akin, excited ka, natatakot ka, nahirapan ako labor pa lang, kaunting pain turukan ninyo na ako, hindi ko na kaya,” nakangiting bungad ni Roxanne.
Ano naman kaya ang pakiramdam ng aktres nang makita niya ang kanyang baby na si Rain Eliana? “Masaya, sulit talaga! Iba pala kapag galing sa iyo and nakita ko na lumabas siya eh, so nakita ko ‘yung mukha niya, so hindi n’yo na puwedeng palitan ‘yan, ito ang anak ko.
“Kinarir ko ‘yung pagbe-breastfeed, iba na ‘yung attachment at hindi ko na siya kayang i-let go. Tsinita ‘yung bata, namana niya sa akin ‘yung balbon at maputi so halo naman,” kuwento pa ni Roxanne.
Next year ay may plano na silang magpakasal ni Angelo Elton Yap since parents na sila kay Rain Eliana. “Ang marriage ay hindi madali, ang hino-hope lang namin, ma-survive namin ‘yung marriage, makayanan namin ‘yung obligations namin bilang magulang ni Elton,” dagdag pa ni Roxanne.
Naging emosyonal din ang aktres nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang mommy Ana na hanggang ngayon ay patuloy ang pagsuporta at pangaral sa kanya. “Nag-sorry ako sa kanya. Nagpasalamat ako sa lahat ng sakripisyo niya for me. Walang pagkukulang ang magulang ko sa akin, ‘yung hiningi ko ng tawad ay ‘yung pagkukulang ko bilang anak. Nare-realize ko lahat ng mali ko sa magulang ko. Inumpisahan namin ng mali pero tatapusin namin ito ng maayos,” madamdaming pagtatapos ni Roxanne.
* * *
Hindi pa rin matapus-tapos ang issue na hiwalay na diumano sa real and reel sweethearts na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Madalas daw kasi ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa at maging sa set ng kanilang taping ay napapaiyak ni Jason si Melai dahil sa tampuhan. “Hindi po iyan totoo. Madalas lang po kaming hindi nagkikita, hindi rin kami masyadong nagkakasama na dahil may mga movies na siya. Napansin lang siguro ng mga fans, kasi pati sa K-text ay hindi na rin kami magkasama, dati kasi ay magkasama rin kami sa K-text,” pahayag ni Jason.
Napabalita rin na minsan daw ay may babae na pinuntahan si Jason sa lugar ng isa pang housemate na si Paul Jake Castillo, kaya naman naaakusahang isang playboy si Jason. “Di po totoo iyan, kasambahay po ni Paul Jake, si Rhea po ‘yung tinutukoy,” paglilinaw pa ni Jason.
Nagiging issue rin daw ngayon ang pagiging mas sikat ni Melai kaysa kay Jason kaya madalas na hindi magkaintindihan ang dalawa. “Mag-boyfriend naman kami, bakit kami magko-kompetensiyon,” natatawang sagot ni Melai.
“Di ko po ‘yan mina-mind kasi sa totoo lang ay dapat na maging masaya ako para sa kanya kasi ay umaangat ‘yung kanyang career,” sagot pa ni Jason. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest