^

PSN Showbiz

Marian nakakuha ng kakamping mayor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Namula ang mukha ni Bacoor Mayor Strike Revilla nang tuksuhin ko siya kahapon tungkol sa balita na malapit na siyang ikasal sa kanyang girlfriend na nagtatrabaho bilang finance officer ni Papa Manny Pangilinan.

Pulang-pula ang mukha ni Mayor Strike kaya inawat ako ng kanyang hipag na si Congresswoman Lani Mercado. Artista ang tatay, kapatid, hipag at mga pamangkin ni Strike pero hindi pa rin siya nasasanay sa showbiz. “No comment” ang sagot niya sa aking litanya na engaged na sila ng kanyang dyowa.  

Humarap kahapon ang magbilas sa entertainment press para ikuwento ang activities sa Bakood Festival 2010 na nagsimula noong September 18.

Si Lani ang representative sa Kongreso ng 2nd District ng Cavite at siya ang katulong ni Strike para matiyak na magiging tagumpay ang anniversary celebration ng bayan ng Bacoor.

Seryoso si Lani sa pagsusulong sa Kongreso na maging city ang Bacoor at sa determinasyon ni Lani, hindi malayo na matupad ang matagal nang pangarap ng mga residente ng Bacoor.

*   *   *

Hindi lamang ang mag-amang Senator Ramon at Bong Revilla ang mga sikat na artista mula sa Bacoor.

Mga residente rin ng Bacoor sina Diether Ocampo at Marian Rivera bago sila mga naging artista. Proud si Mayor Strike sa mga showbiz achievement nina Marian at Diether.

Natatandaan ni Strike na noon pa man, malakas na ang loob ni Marian dahil sumasali ito sa mga contest sa kanilang lugar.

Ikinuwento ni Strike na madalas na maging muse noon si Marian ng mga basketball team kaya hindi na siya nagulat nang maging artista ang girlfriend ni Dingdong Dantes.

*   *   *

“Bagong Bacoor Tungo sa Pagiging Lungsod” ang theme ng Bakood Festival 2010. Matindi ang week-long celebration dahil sa dami ng mga aktibidades.

Idinaos noong September 18 sa Bacoor Town Plaza ang Little Miss Bacoor at ngayon ang free legal assistance na gaganapin sa SM Bacoor.

Ngayon din ang Strike Kids day na tatagal hanggang September 24. Imbitado sa Strike Kids Day ang mga bagets at ang Bacoor Coliseum ang venue ng event.

Kung may Talentadong Pinoy ang TV5, may Ta­lentadong Bacooreño ang Bacoor. Inaanyayahan ang lahat na sumali sa contest na gaganapin sa Linggo, September 26, sa Bacoor Coliseum. May mass wedding din para sa mga mag-dyowa na gustong maging legal ang pagsasama.

Hindi itsa-pwera ang mga dalaga at ang mga bading sa Bakood Festival dahil may contest para sa kanila, ang Mutya ng Bacoor at Miss Gay Bacoor. Gaganapin ang Mutya ng Bacoor sa September 29 sa SM Bacoor Cinema 3 at idaraos ang Miss Gay Bacoor sa Talaba Elementary School sa September 28.

BACOOR

BACOOR CINEMA

BACOOR COLISEUM

BACOOR MAYOR STRIKE REVILLA

BAKOOD FESTIVAL

MAYOR STRIKE

MISS GAY BACOOR

STRIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with