Sakit ni Carmen Soo inoobserbahan pa rin!
Kahit matatawag na isang baguhan si Veronica Velasco dahil first directorial job niya ang mainstream movie na I Do tampok ang loveteam nina Enchong Dee at Erich Gonzales na nagkataon pang under Star Cinema, hindi bano sa pagdidirek ng pelikula ang may kabataang direktora.
Katunayan, kilala na ito sa larangan ng indie films at direktor ng dalawa sa mga award-winning indie films na Inang Yaya na nagtampok kay Maricel Soriano at ang nakakatawang Last Supper No. 3.
Isang konsepto ni Direk VV ang I Do na kuwento ng isang kaibigan niya at kasamahan sa trabaho. Iprinisinta niya ito sa Star Cinema at agad namang nagustuhan ni Direk Olive Lamasan. Sina Enchong at Erich talaga ang original choice for the main lead pero dahil sa may ibang ginagawa pa ang dalawa kung kaya hinintay pa ang kanilang availability.
Enjoy ang direktora sa kanyang mga artista lalo na sina Enchong, Erich, Pokwang, at ang introducing sa pelikula niyang si Melai Cantiveros.
* * *
Pagkatapos ng nakakaaliw na kuwento ng Inday Bote, na kung saan ay namayagpag sa ratings ang episode na pinagbibidahan ni Melai Cantiveros, isang patunay na walang babae ang hindi kayang mapaganda ng makabagong panahon at kung talagang magaling ang memorya niya ay makakaya ring gampanan ang role ng isang nag-i-Ingles na babae, mayaman at may pinag-aralan na gaya ng ipinamalas ng babaeng taga-General Santos City.
“Sana pumasa sa manonood ’yung pag-i-Ingles ko. Talagang pinaghirapan ko ang pagmememorya ng script ko para masiyahan ang mga manonood,” sabi ni Melai na isang magandang buena mano ang ibinigay sa pagsisimula ng Wansapanataym.
Sa pangatlong linggo ng serye sa Sept. 25, isa na namang Inday ang tiyak na magpapatawa sa mga manonood, ang Inday Balitaw na pangungunahan ni Maja Salvador.
* * *
Nakita sa Your Song Presents Beautiful Girl na mayroong chemistry sina Carmen Soo at Christian Bautista. Marami nang aktor ang nakatambal ng Malaysian actress pero parang kay Christian siya bagay na bagay, napakalakas ng on-screen chemistry nila, puwede silang loveteam.
“They exude an undeniable chemistry,” pahayag ng direktor nila sa serye na si Francis Pasion.
Samantala, ayon sa production staff ng Your Song, kamangha-mangha ang ipinapakitang professionalism ni Carmen. Kahit pa may sakit (viral infection), tuloy pa rin ito sa pagti-taping. Hanggang ngayon nga ay under observation pa ang dalaga.
Sa kabilang dako, lubos naman ang galak ni Christian nang makarating sa kanya ang balita na umabot na sa double platinum ang kanyang latest album sa Indonesia na kasama ang Beautiful Girl na unang pinasikat ni Jose Mari Chan.
* * *
Isa sa pinakabagong programa ng TV5 na inaasahang magdadala ng maraming manonood sa network ay ang sports-documentary program na Astig na magkatulong na hino-host nina Manu Sandejas, isang road enthusiast, at ng multi-sports player na si Chiqui Roa-Puno. Ang Astig ang magpapakita ng mga kuwento sa likod ng mga sports tuwing Sabado ng alas-tres ng hapon.
Kung pamilyar ang mukha ng dalawang hosts, ito ay sa dahilang kapwa na sila napanood dati pa sa TV, si Manu ay sa Studio 23 galing. Limang taon siyang nag-host ng DigiTour, isang digital lifestyle show tungkol sa Internet, gadgets, at kung anu-ano pang gamit sa makabagong teknolohiya.
- Latest