Sigaw ng pari ng Ibaloi sa pagdi-deny, Kasal nina Robin at Mariel, legal at sagrado!
MANILA, Philippines - Dismayado ang Ibaloi mambunong o pari ng tribu kay Robin Padilla ayon sa report ng ABS-CBN.com nang i-deny ng aktor ang naganap na seremonya ng kasal nila ni Mariel Rodriguez sa Baguio noong nakaraang Lunes.
Ayon kay Jimmy Ong, ang nagsagawa ng seremonya ng kasal ng dalawa, pagpapakita lang ang denial nina Robin at Mariel na ikinahihiya nila ang kultura ng Igorot.
Pinanindigan ni Mr. Ong ang naganap na kasalan ng dalawa at sinabing sagrado ang naganap na seremonya sa kabila ng denial ni Robin.
Sinabi rin ng mambunong na ang pagsakripisyo sa baboy na ginawa sa kasalang Robin at Mariel ay isang ritwal na itinuring na sagrado ng mga Igorot.
Nilagyan ng dugo ng baboy sa mukha ang dalawa na patunay na ang nasabing seremonya ay binding at legal.
Dinagdag din nito na ang typical Ibaloi wedding ay tumatagal ng mahigit ng isang araw dahil sa mga ritwals. Pero dahil hindi masyadong planado ang kasalan nina Robin at Mariel, tumagal lang ito ng isang oras at kalahati ayon pa sa report ng ABS-CBN.com.
Pero hindi naman daw ito nakaapekto sa legalidad ng kasalan at nanawagan siya sa mag-asawa na aminin na ang nasabing kasalan.
* * *
To the next level na ang pag-iibigan nina Rafael Rosell at Denise Laurel sa Martha Cecilia’s Kristine.
Ngayong linggo, tatalikuran ni Marco (Rafael) ang sariling pamilya sa pagtayong abogado ng kasintahan niyang si Emerald (Denise) na mula sa kalabang angkan na Fortalejo.
Madadawit ang karakter ni Denise sa isang pagsabog na kagagawan ng tiyahin niyang si Margarita (Irma Adlawan) at ang tiyuhin ni Marco na si Alfon (Eric Fructuoso). Dahil ayaw pabayaan ang dalaga, nagdesisyon si Marco na ipagtanggol ito sa korte kahit labag sa kagustuhan ng kaniyang inang si Julia.
Samantala, magpapaalila naman si Jewel (Cristine Reyes) sa kanyang sariling lolo na si Don Leon kapalit ng tulong nito sa kaso ni Emerald. Tulad ni Marco, to the rescue rin si Jaime (Zanjoe Marudo) na papasok bilang driver ng mga Fortalejo para bantayan ang “asawa.”
Habang patindi nang patindi ang pagmamahalan sa pagitan ng apat na bida ng Martha Cecilia’s Kristine, umiigting na rin ang bangayan ng fans ng dalawang tambalan na Rafnise at Zantine.
Paglilinaw ni Cristine, wala raw kahit anong rivalry sa pagitan ng dalawang loveteams sa totoong buhay. “Bago pa man magsimula ‘yung Kristine na show eh nakapag-usap na kami na hindi kami magpapa-apekto sa mga ganyang bagay. Natutuwa pa nga kami na maliban sa fans ng show, at fans ng book na Kristine eh may sari-sarili ding supporters ang loveteams,” ani ng Jewel of Romance.
- Latest