^

PSN Showbiz

60 taong kuwento ng Kapuso nasa coffee table book na

-

MANILA, Philippines - Mahirap isulat sa isang libro ang la­hat ng pinagdaanan ng GMA Network sa loob ng 60 taon, lalo na’t iba’t ibang tao ang naging bahagi ng kasaysayan ng network. Ngunit sa tulong ng mga piling tao, maibabahagi na ngayon ng GMA Network sa publiko sa pama­ma­gitan ng isang coffee table book – ang Kapuso : The GMA Story – ang maku­lay na istorya nito.

Nanguna ang triumvirate ng GMA na sina Felipe L. Gozon, Gilberto M. Dua­vit, Sr., at Menardo R. Jimenez sa pagbabalik-tanaw sa pagsisimula ng network sa industriya.

Sa section na Early Days, ikinu­wen­­to naman ng dating GMA execu­tives at officers na sina Rodolfo Reyes, Fred­­die Garcia, Antonio Seva at Tina Mon­zon Palma ang kanilang mga hindi mali­limutang karanasan sa GMA, pati na ang kanilang naging papel sa kasay­sa­yan ng network.

Ibinahagi sa libro kung paano unti-un­ting natupad ang vision ng GMA Net­work. 

Dinetalye rin kung paano nagtagum­pay ang GMA Network sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at proyekto nito, hindi lang sa boob-tube kundi pati na sa big screen.

Sa pagtatapos, nagbigay ng patikim ang GMA President, Chairman and CEO na si Felipe Gozon ng mga dapat aba­ngan ng publiko mula sa network sa mga susunod na taon. 

ANTONIO SEVA

EARLY DAYS

FELIPE GOZON

FELIPE L

GILBERTO M

GMA

MENARDO R

NETWORK

RODOLFO REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with