^

PSN Showbiz

Jennica 16 aso ang ipinamigay!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sa presscon ng Bantatay ay nakakuwentuhan namin si Jennica Garcia na isang bulag at unang naging amo ni Bantay.

Sa tunay na buhay, mahilig talaga siyang mag-alaga ng mga aso. Katunayan, mayroon siyang 16 na magagandang aso at kumuha pa sila ng kanyang mommy (Jean Garcia) ng taga-alaga. Gumagastos din sila ng malaki-laking halaga buwan-buwan para sa mga alaga.

Pero nang dumating ang bagyong Ondoy ay nagkahiwalay sila ng mga ala­gang aso at ipinamigay ito sa mga kamag-anak. Iniyakan ito nang husto ni Jennica.

“Paano po nang binaha ang aming lugar ay lumipat kami sa isang condo at bawal mag-alaga ng mga aso. Nalulungkot ako dahil naaalala ko sila,” aniya.

Excited na ang young actress dahil may bibilhin siyang bagong pusa - isang exotic short hair at papa­nga­lanan niya ng Agnes. Four months na ang pusa.

Niregaluhan siya ng ex-boyfriend na si Mart Escu­dero ng aso na tinawag niyang Sandal. At nang mag-Ondoy ay inihabilin niya ito sa aktor pero hindi na ibinalik sa kanya.

*    *    *

First time ni Gary Estrada na manalo bilang board mem­ber sa limang lalawigan ng Quezon na kina­bibila­ngan ng Lucena, Tayabas, Unisan, Sariaya at Dolores. Kapag absent ang vice-governor ay siya ang nagpe-preside sa kanilang session at enjoy na enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Ang kanyang eldest na anak na si Kiko ay first year college na at ang tatlong babaeng anak nila ni Bernadette Allyson ay malalaki na rin at nag-aaral sa Poveda.

*    *    *

Ang Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) ay isang non-stock corporation na naglalayong pangalagaan, pagbutihin at palawigin ang kalusugan ng mga entertainment writers sa Pilipinas.

Naghahanda na ang mga miyembro nito para sa gagawing medical at dental projects sa September 26, 2010 (Linggo) sa MOWELFUND PLAZA, 66 Rosario Drive Cubao Quezon City simula 8:00 ng umaga sa pakikipagtulungan sa UNTV ni Kuya Daniel Razon.

Ang MWWF Board of Trustees ay nag-aanyaya sa lahat ng entertainment writers na i-avail ang libreng medical at dental check-up.

Ang mga bumubuo sa MWWF Board of Trustees ay sina Emy Abuan (Pre­sident); Ed de Leon (vice president); Pilar Mateo (Secretary); Arthur Quinto (Asst. Secretary); Dennis Aguilar (Treasurer); Rino Fernan at Gerry Ocampo (Auditors) at Board Members sina Virgie Balatico at Raymund Vargas.

ANG MOVIE WRITERS WELFARE FOUNDATION

ARTHUR QUINTO

BERNADETTE ALLYSON

BOARD MEMBERS

BOARD OF TRUSTEES

DENNIS AGUILAR

DRIVE CUBAO QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with