^

PSN Showbiz

Krista may kahalikang babae, nagsasayaw na labas ang puwet

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Nagpakasal na si Angelu de Leon sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Lorenzo Ri­vera.

Isang simpleng Christian wedding daw na ginanap sa isang function room ng Sofitel Hotel kung saan mga malalapit na kapamilya at kaibigan lang ang dumalo.

Dalawang pares lang daw ang tumayong ninong at ninang at isa sa mga showbiz friends ni Angelu na present sa naturang kasalan ay si Sherilyn Reyes.

Buntis nga kaya uli ang aktres kaya biglaan ang kanyang pagpapakasal? Ang huling balitang narinig namin ay magpapakasal din daw sila sa Europe.

TANONG : Sobrang apektado na raw ang Binibining Pilipinas International na si Krista Kleiner sa mga naglalabasang negatibong isyu tungkol sa kanya?

May mga naglabasan sa internet na litrato niyang may kahalikang isang babae at meron ding sumasayaw na halos labas na ang puwet niya.

Meron na raw hate campaign laban sa kanya para i-dethrone daw ito ng Binibining Pilipinas.

“Sobrang sakit po kasi para sa akin, ano pong kasalanan ko? May ginawa ba akong masama para sabihin nila online, para mag-start sila ng petition at i-dethrone daw ako,” maluha-luhang pahayag ng actress/beauty queen.

So far, wala pang reaksiyon ang BPCI tungkol dito at hindi pa naman nila dini-dethrone si Krista.

TOTOO KAYA itong kuwento ng mga staff ng isang talk show tungkol sa isa nilang lady TV host na may itinatagong kati pero hindi lang halata?

Itong si TV host na dumaan sa isang kontrobersiya noon ay merong ininterbyu sa isang probinsya somewhere in the South.

Nag-check-in sila sa isang hotel malapit sa kanilang subject pero kinabukasan pa ang kanilang interview, kaya pinagpahinga na lang muna nila ito.

Pagdating ng dinner time ay tinawagan na ng mga staff si TV host na kumain na pero hindi ito sumasagot sa kanyang kuwarto.

Pati mga tawag nila sa cellphone ay dedma ito, kaya hinayaan na lang nila at baka natulog na raw ito.

Kinabukasan ay kinatok na naman daw nila ito sa kuwarto niya para yayaing mag-breakfast. Di pa rin sumasagot si TV host. Tinawagan nila sa cellphone, wa pa rin, kaya kinabahan na ang mga staff baka kung napaano na ito.

Nagtanong sila sa reception kung nakita ba nila ang kanilang TV host. Doon naikuwento ng isa sa mga staff na nung gabing iyun ay may sumundo raw kay TV host na isang guwapong lalaki at lumabas daw sila.

Pagbalik daw nito ng hotel, kumuha raw ito ng isang kuwarto kasama ang lalaking sumundo sa kanya.

Naloka ang mga staff dahil ang buong akala nila, bago pa lang kay TV host ang lugar nila, iyun pala may mga kakilala roon at humiwalay pa sila ng kuwarto.

Hindi nila akalaing nasa loob ang landi nitong TV host nila na akala mo’y mahinhin.

TSIKA LANG : Kasabay nang pagtatapos ng Langit sa Piling Mo kamaka­lawa ng hapon, dumating naman si Heart Evangelista galing Amerika.

Sinundo pa ito ni Daniel Matsunaga sa airport na may dalang bulaklak. Hindi man nila inaaming sila na, nakikita nang may espesyal na relasyon ang dalawa at mukhang botung-boto naman ang Mommy ng aktres.

Nung nagsimula pa lang ang Langit sa Piling Mo ay inaamin na ni Daniel na crush niya si Heart at ngayong tapos na ito, nagkadebelopan na sila.

Bukas ay magsisimula na ang Bantatay na kapalit sa katatapos lang na Langit sa Piling Mo.

vuukle comment

DAW

HOST

ISANG

LANG

LANGIT

NILA

PILING MO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with