^

PSN Showbiz

Lider ng tribo ginawang sinungaling ni Robin? Mga Muslim umalma sa kasalang Robin at Mariel

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Napanood ko ang news tungkol sa pagpapakasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa Baguio City.

Tinutukan ko ang report kaya hindi ko puwedeng makalimutan ang sinabi ng lider ng Ibaloi tribe na legal ang pagkakasal niya kina Robin at Mariel.

Ikinuwento pa ng lider na tinanong niya si Robin kung shooting ba o totohanan ang kasal. Totoo raw ang sey ni Robin kaya nagtataka ako sa statement niya na para sa nalalapit na show nila ni Mariel sa ABS-CBN ang mga eksena na ipinalabas sa TV.

Sino ngayon ang dapat nating paniwalaan, si Robin o ang lider ng tribo na nagpainterbyu sa harap ng TV camera?

Para maintindihan ninyo ang aking concern, heto ang statement ni Robin na ipinadala niya kahapon sa mga miyembro ng media:

“Ang mga naganap sa lupa ng mga Cariño sa Baguio ay isa lamang sa mga nagaganap na yugto sa aming pag ibig at sa nalalapit na programa sa ABS-CBN. Walang dapat ipangamba ang mga kapatiran, kababayan at katribo sapagkat ang pagsunod namin ay sa Islam, ang pagpupugay namin ay sa Kristiyanismo at ang pakikiisa namin ay sa kultura at tradisyong Pilipino.”

* * *

May mga nagduda na naglabas ng statement si Robin para ma-pacify ang mga Muslim.

Umalma raw ang mga Muslim sa balita na pinakasalan ni Robin si Mariel sa Ibaloi rites dahil bawal ito sa kanilang Islam religion. Muslim si Robin kaya kung magpapakasal siya, dapat sa Muslim rites din.

Kung sinabi ni Robin na para sa project niya sa ABS-CBN ang eksena, lalabas na hindi totoo ang mga sinabi ng lbaloi leader na nagkasal sa kanila ni Mariel.

Panoorin ninyo ngayong hapon ang Startalk dahil pag-uusapan namin sa show ang bagong kabanata sa lovelife ni Robin.

Malay ninyo, baka mag-react din si Leizel Sicangco sa pagpapakasal ng kanyang ex-dyowa?

* * *

Witness sa kasal nina Robin at Mariel si Ali, ang bunsong anak nina Robin at Leizel na malapit nang mag-goodbye Philippines dahil babalik na siya sa piling ng kanyang madir sa Australia.

Wala nang atrasan ang pag-alis ni Ali dahil ready na ang mga papeles at excited na si Leizel na magkita sila.

Nag-decide si Robin na pabalikin sa Australia si Ali para tumigil na si Leizel sa pagsasalita sa TV.

* * *

Hindi totoo ang balita na may presscon kahapon si Willie Revillame. Dalawang tao ang tumawag sa akin kahapon para itanong kung totoo na may presscon si Willie sa isang hotel sa Quezon City.

Ma ang sagot ko dahil wala akong kinalaman sa presscon pero itinanggi ito ng isang malapit kay Willie na tinawagan at tinanong ko.

False alarm ang balita na siguradong may kinalaman sa statement ng ABS- CBN na valid pa hanggang sa September 2011 ang exclusive contract sa kanila ni Willie. Naglabas ng statement ang Kapamilya network dahil maingay na maingay ang balita na tuloy ang paglipat ni Willie sa ibang TV network.

* * *

May pa-contest si Dra. Vicki Belo para sa lahat. Magbibigay siya ng worth ten kiyaw na gift certificates para sa tao na makapagbibigay sa kanya ng magandang tagline para sa Belo Medical Clinic.

True ang balita na lumabas kahapon sa PSN na inalis ang Belo billboard ng mag-inang Zsa Zsa Padilla at Karylle sa Guadalupe Edsa dahil naka-rehistro sa ibang kompanya ang tagline na “ Age is just a number.”

I repeat, Belo gift certificates at hindi cash na datung ang ibibigay ni Mama Vicki sa sinuman na makakapag-contribute ng bonggang tagline para sa Belo Medical Clinic 

vuukle comment

ALI

BAGUIO CITY

BELO

BELO MEDICAL CLINIC

LEIZEL

MARIEL

PARA

ROBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with