^

PSN Showbiz

Starstruck V winners sobrang busy!

-

MANILA, Philippines - Ang tagumpay ng mga reality TV contestants ay hin­di humihinto sa mismong show lamang. Ang mas naging challenge nila ay kung paanong maipagpa­pa­tuloy ang exposure sa showbiz kahit tapos na ang labanan.

Masuwerte ang nasa nagdaang batch ng Starstruck V, walo sa kanila ay aktibo sa Kapuso Network ngayon.

Ang Top 5 na sina Steven Silva, Sarah Lahbati, En­zo Pineda, Diva Montelaba, at Rocco Nacino ay regular na napapanood linggu-linggo sa Party Pilipinas.

Sumali na rin ang dancer na si Sef Cadayona. Pero bukod doon, kasama siya nina Jan Manual at Cha­riz Solomon sa Startalk tuwing Sabado na pa­rehong galing ding Starstruck. Maituturing nga na siya ang pinaka-busy sa kanyang batch dahil may Ilumina (GMA 7) at I Laugh Sabado (QTV 11) pa si Sef.

Ang isa pang wala sa final five na umaarangkada ngayon sa showbiz ay si Nina Kodaka. Bumagay ang kakaibang tono ng pananalita ng 21-year-old half-Japanese sa segment niya sa Startalk.

Ang first at second prince namang sina Enzo at Rocco ay nabigyan ng magandang karakter sa Kaya ng Powers na kasama ang mga big Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Joey Marquez, at Rufa Mae Quinto.

Dahil sa Survivor Philippines: Celebrity Edition, naging pang-araw-araw na ang labas ni Ian Ba­therson. Kahit natanggal siya noon sa ika-siyam na elimination night, marami ang nagsabing may kalalag­yan ang half-German sa entertainment circuit.

ANG TOP

CELEBRITY EDITION

DIVA MONTELABA

I LAUGH SABADO

IAN BA

JAN MANUAL

JOEY MARQUEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with